top of page
TEKA NGA - MARIEL, KUMALAT NA TATAKBONG SENADOR, NILAIT NG NETIZENS_IG _marieltpadilla.jpe

Mass gathering at videoke violations, tututukan gamit ang socmed

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 11, 2020
2 min read

ni Ryan Sison - @Boses | December 11, 2020


Hindi lang mga pasaway sa kalye o pampublikong lugar ang tututukan ng mga awtoridad ngayong Kapaskuhan.


Bukod sa mga hindi nagsusuot ng facemask, lumalabag sa curfew at physical distancing, bantay-sarado na rin ang mga lalabag sa mass gathering at videoke restrictions.


Ito ay matapos sabihin ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na hahabulin ng mga pulis ang lalabag sa mass gathering at videoke restrictions, sa personal man o social media.


Kamakailan, inatasan ng Department of Health (DOH) ang mga lokal na pamahalaan na maglabas ng ordinansa na magbabawal sa ilang aktibidad na nakasanayan tuwing Kapaskuhan tulad ng pangangaroling dahil tulad ng pag-ubo at pagbahing, lumabas sa pag-aaral na ang pagkanta ay maaring maging sanhi ng hawaan.


Kaya ang siste, ipatutupad ang health standard sa kasagasagan ng holiday season kung saan gagamitin na rin ang social media para matunton ang mga lumalabag.


Kung may makikitang post na nagma-mass gathering at nagvi-videoke, beberipikahin muna ng pulis ang mga post sa personal saka aaksiyon.


Bagama’t nais nating ma-enjoy ng lahat ang Kapaskuhan kasama ang kani-kanilang pamilya, dapat nating tandaan na kailangang mag-ingat ng bawat isa para iwas-hawaan.


Kaya ‘yung mga ayaw paawat d’yan, tipong tagay dito, tagay doon, party-party pa more tapos todo-post sa socmed, may kalalagyan din kayo!


Kung hindi kayo madaan sa pakiusap at babala, pasensiyahan na lang. Tutal, matatapang naman kayo, ‘wag kayong magtago at magpaawa ‘pag nagkahulihan.


Panawagan sa mga awtoridad, sampolan ang mga mahuhuli at ‘wag puro babala o pananakot.


Panahon na para seryosohin ng taumbayan ang ating mga babala at kahit holiday season, wala tayong palalampasin.


Nariyan lang ang virus at hindi natin alam kung sino ang mahahawaan, kaya plis lang, ‘wag nang magpasaway.

Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page