top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Masopla lang ang AlDub fans… MAINE, IPINOST NA ANG PICTURE NILA NI ARJO SA PARIS

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Nov 7, 2022
  • 1 min read

ni Nitz Miralles - @Bida | November 7, 2022



Nag-post na rin finally si Maine Mendoza ng photo nila ng fiancé niyang si Cong. Arjo Atayde na ang background ay ang Eiffel Tower sa Paris. Binati ni Maine ng happy birthday si Arjo na kaarawan noong November 5 at para na rin siguro basagin ang mga naniniwalang wala sa Paris si Maine at hindi niya kasama si Arjo dahil wala silang photos na magkasama.


Ayun na nga, kung marami ang kinilig sa larawan nina Maine at Arjo, may mga naniniwalang edited ang larawan ng engaged couple. Hindi rin daw si Maine ang gumamit ng nasabing Instagram account. Napa-“My Gad” na lang ang mga fans nina Maine at Arjo sa comment na ‘yun at siguradong marami pa ang susunod na comments.


May pagtatalunan na naman nito ang AlDub fanatics at ang mga supporters nina Maine at Arjo.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page