top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Masamang trato sa mga tauhan, nabulgar… MOMMY DIVINE NI SARAH, LAGOT KAY TULFO

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Dec 19, 2022
  • 2 min read

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | December 19, 2022



Kontrobersiyal ngayon ang ina ni Sarah Geronimo na si Mommy Divine Geronimo, pero hindi dahil sa problema ng mag-ina.


May isang nagpakilala kasing tauhan ni Mommy Divine ang nagrereklamo sa klase ng pamamalakad nito at maling pagtrato diumano sa kanyang mga tauhan.


Ayon kay Ogie Diaz, baka raw dalhin kay Senador Raffy Tulfo ang reklamo.


Itinext umano ng isang nagpakilalang empleyado ni Mommy Divine kay Mama Loi, kasamahan ni Ogie sa kanyang YouTube channel na Showbiz Update, ang isyu nila ni Mommy Divine.


Ani Ogie, hindi ito ang unang pagkakataon na narinig niya ang naturang reklamo.


Walang kinakampihan ang batikang manunulat, bukas umano ang Showbiz Update channel nila sa panig naman ni Mommy Divine.


Ayon naman kay Mama Loi, base sa conversation nila ng nagpakilalang empleyado ng ina ni Sarah, hindi tama ang pamamalakad at pagtrato nito sa kanila.


May ilang bagay daw na nilalabag ni Mommy Divine bilang employer.


"Violations sa labor code. Hindi bayad ang 31st ng buwan kung meron kahit na nagtrabaho ng araw na iyon. Walang overtime pay. Walang double pay. Delayed ang sahod, no rest days.


Kahit na magpa-approve ka, hindi niya papansinin. Hindi nagbabayad ng government mandated benefit.


Hino-hold ang tao ‘pag gusto nang umalis. Ginigising ang tao sa oras ng pahinga para lang magbaba ng mga dala niya. Pinapakain ang mga tao niya ng paa ng manok at paulit-ulit at ulo ng manok. Hindi pagpansin kahit na may sakit ang tao. Kagaya nito, hindi na naman siya nagpasahod kahapon," ang laman diumano ng text ng empleyado kay Mama Loi.


"Meron pa silang screenshot para patunayan sa amin na talagang meron silang conversation.


‘Yung nakikiusap na need niyang makipag-appointment bago makapasok at makuha ang mga gamit niya at isang regulasyon ng kumpanya na bawal kunin ng ibang staff ang salary ng nagmamay-ari ng sahod," pahayag naman ni Ogie.


Sinasabi pang paiba-iba rin umano ang instructions si Mommy Divine na pati ang mga security guards ay nakikialam umano sa internal affairs sana na dapat employer-employee lamang.


Payo naman ni Papa Ogs, "Mas maganda, harapin ito ni Mommy Divine. Kasi siyempre, mahirap na po ito lalo sa panahon ngayon. Mommy Divine Geronimo, baka ipa-Tulfo ho kayo ng inyong empleyado na nagrereklamo sa inyo.


"Mas maganda na ayusin na po natin ito, para naman sa ganu’n, makapamuhay ang lahat nang maayos.”


Bukas din umano ang kanilang Showbiz Update YouTube channel para naman sa panig ni Mommy Divine.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page