top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Mas una pang kumalat sa socmed… MAGGIE, WALANG KAALAM-ALAM NA IDINEMANDA NG ADULTERY NG MISTER

Writer: BULGAR
BULGAR
Jul 21, 2022
2 min read

ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters! | July 21, 2022




Hindi matatapos ang linggong ito ay ibabalik na ang kuryente sa bahay nina Maggie Wilson sa Barangay Bambang sa Taguig City na pag-aari ng DMCI Corporation kung saan nanunuluyan ang kapatid nitong babae at anak nitong limang taong gulang.


Matatandaang pinutulan ng kuryente ang bahay ni Maggie noong Hulyo 15 (Biyernes).


Base sa kuwento ng taga-Meralco, walang problema sa kuntador nila kundi sinadyang alisan sila ng kuryente at kausapin na lang daw ang owner ng DMCI para maibalik ito.


Kaagad nagpadala ng demand letter ang legal counsel ni Maggie, ang DivinaLaw, sa pamunuan ng VCDC DMCI na pag-aari ng pamilya ni Vic Consunji na illegal ang ginawa nilang pagpasok sa bahay ng kanilang kliyente nang walang notice bukod pa sa pagtanggal ng kuryente.


Panimula ng aming source, “Ibabalik na ang kuryente kasi may Temporary Restraining Order o TRO sina Vic. Hindi matatapos ang week na ito.”


Hindi iniwan ni Maggie ang bahay na umano’y conjugal nila ng asawang si Vic na pag-aari naman ng korporasyon nila dahil ang katwiran ng una ay may lease of contract siya at siya ang nagbabayad ng upa.


Napanood daw ni Maggie ang ibinalita ni Ogie Diaz sa kanyang Showbiz Update YouTube channel kasama sina Mama Loi at Ate Mrena na si Vic ang nagbabayad ng upa kaya may karapatan siyang i-padlock ang unit.


“No! It’s Maggie who is paying the rent dahil na-foresee na niya ang mangyayari. Noong una, si Vic, kahit ayaw ni Maggie, pero nu’ng nakaramdam na si Maggie, ipinilit niyang siya ang magbayad at pumunta siya mismo sa office ng DMCI telling them to issue her a receipt. So, si Maggie ang nagbabayad ng upa at iyon ang ipinakita ng kapatid niya ru'n sa mga nagpunta sa bahay na representative from VCDC DMCI na may contract sila to lease kaya nga nagkatawanan, 'di ba?


“About the kuryente, ilang araw walang kuryente. Good thing may generator sina Maggie so iyon ang ginagamit nila. And then one of these days, ibabalik na ang kuryente.”


Tungkol naman sa ikinasong adultery ni Vic sa asawa dahil ang itinuturong umano’y kalaguyo ay ang business partner nitong si Tim Connor at nabalitang may warrant of arrest nga si Maggie na kasalukuyang nasa London ngayon, “Nagulat ang lawyers ni Maggie bakit may warrant of arrest, eh, wala namang natanggap na sulat na idinemanda siya ni Vic? Dumiretso kaagad sa court? Eh, wala pa palang ibinababa, nauna na kaagad lumabas sa social media?


“Kahapon (Martes) lang lumabas ang warrant of arrest at kinukuwestiyon ito ng lawyers ni Maggie, bakit walang ipinadalang sulat bago mag-isyu? Alam naman ang address at walang natanggap ang kapatid. Kaya hindi puwedeng ikatwiran na wala sa Pilipinas si Maggie dahil nandu'n ang kapatid to receive any documents on her behalf,” paliwanag ng aming source.


Iisa ang tanong ng lahat — bakit daw hindi ipinapa-annul ni Vic ang kasal nila ni Maggie?


Bukas ang BULGAR sa panig ni Vic Consunji o ng kampo niya.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page