Mas type ng mga DDS ang ‘Sara-Bongbong’ o ‘Bongbong-Sara’ tandem kaysa ‘Sara-Gibo’ tandem
- BULGAR
- Jun 5, 2021
- 2 min read
ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | June 05, 2021
MAYOR SARA, BAKA IWAN DIN SA ERE NI REP. JOEY SALCEDA—Kinumpirma ni Albay Rep. Joey Salceda na tatakbong pangulong daw si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio at handa raw niyang suportahan ang kandidatura nito sa 2022 presidential election.
Naku, dapat huwag gaanong magtiwala si Mayor Sara kay Rep. Salceda kasi baka iwan siya nito sa ere dahil kilalang balimbing ang kongresistang ito.
Noong pangulo pa si ex-Pres. Gloria Arroyo ay sumapi si Salceda sa Lakas-CMD-Kampi, pero nang makulong si ex-P-GMA ay lumundag sa Liberal Party (LP) ng noo’y pangulo na si ex-P-Noy, at noong 2016 presidential election ay nangako siya (Salceda) ng suporta sa kandidatura sa pagka-pangulo ni Mar Roxas, pero kalaunan ay si Grace Poe ang sinuportahan at nang si P-Duterte ang nanalong pangulo, agad sumapi si Salceda sa PDP-Laban, boom!
◘◘◘
KANDIDATURA SA BICOL NINA SALCEDA AT ANDAYA, BAKA TUMAGILID—Hindi lang si Salceda ang taga-Bicol ang nagpahayag ng suporta sa kandidatura ni Mayor Sara sa pagka-pangulo, kundi pati si dating Camarines Sur Rep. Rolando Andaya.
Kaya’t kung may plano sina Salceda at Andaya na lumahok sa halalan 2022 ay huwag na nilang ituloy kasi bakapagkatalo ang abutin nila dahil nagalit sa kanila ang mga taga-Bicol sa statement na suportado nila kandidatura sa pagka-pangulo ng taga-Davao City kaysa kapwa nila Bicolanong si VP Leni Robredo na napababalitang kakana rin sa 2022 presidential election. period!
◘◘◘
GIBO TEODORO, NADAMAY SA GALIT NG MGA DDS KAY ANDAYA—Nadamay si dating Defense Sec. Gibo Teodoro sa galit ng mga DDS kay Andaya na nagsabing “done deal” na raw ang tambalang Sara Duterte-Gibo Teodoro sa 2022 election.
Mas gusto kasi ng mga DDS ang tandem na Sara Duterte-Bongbong Marcos o Bongbong Marcos-Sara Duterte kaysa sa tandem na Sara-Gibo.
At dahil sa ibinidang ‘yan ni Andaya ay hindi lang siya ang bina-bash ng mga DDS, kundi pati sa Gibo Teodoro, boom!
◘◘◘
SARA-GIBO TANDEM, IBABASURA NG MILYUN-MILYONG MARCOS LOYALISTS—Sakaling matuloy ang tambalang Sara-Gibo ay malamang talo sa eleksiyon ang abutin ng tandem na ito.
Tiyak na ibabasura ng milyun-milyong botanteng Marcos loyalists ang tandem na Sara-Gibo 2022, abangan!





Comments