top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Mas prayoridad ni P-Duterte iligtas sa virus ang mga sundalo at parak...

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Nov 25, 2020
  • 1 min read

Kaysa mga health workers frontliners!

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | November 25, 2020



IMBES NA HEALTH WORKERS, SUNDALO AT PULIS ANG PRAYORIDAD NI P-DUTERTE NA UNANG MABAKUNAHAN—Imbes na mga heath workers ang unang pabakunahan dahil sila ang sumasagupa sa COVID-19 upang iligtas ang buhay ng mga kababayang nagkaka-virus, ang nais ni P-Duterte na kapag nakabili na ng COVID-19 vaccine ang kanyang gobyerno, ang prayoridad niyang unang pabakunahan upang makaligtas sa COVID-19 ay mga sundalo at pulis.


Napakapalad talaga ng mga sundalo at pulis sa Duterte gov’t. kasi dinoble na suweldo nila, pero ang mga health workers hindi pa, at ngayon naman mas prayoridad na pabakunahan ang mga military at parak, kaysa mga manggagamot na frontliners sa paglaban sa COVID-19, boom!


◘◘◘


P-DUTERTE, MAKA-SUNDALO AT PULIS; VP LENI, MAKA-HEALTH WORKERS AT MARALITA—Kung si VP Leni Robredo ang tatanungin, mas prayoridad niyang maunang mabakunahan pangontra sa COVID-19 ang mga health workers dahil sila ang fronliners sa pagligtas sa buhay ng mamamayan, next ang mahihirap na kababayan at pangatlo ang mga sundalo at pulis.


Sa isyung ‘yan, eh, talagang hindi na magkakasundo sina P-Duterte at VP Leni dahil ang Pangulo maka-sundalo at pulis, at ang bise-presidente, maka-health workers at maralita, period!


◘◘◘


DAMI NANG NAMAMATAY SA VIRUS, GUSTO PANG MARAMING MAPATAY SA EJK—Muling sinabihan ni P-Duterte ang mga pulis at sundalo na huwag matakot pumatay ng kapwa tao at huwag intindihin ang human rights.


Hay nako, dami nang namamatay sa COVID-19, gusto pang maraming mapatay sa EJK, ‘kakatakot!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page