top of page

Mas pinili pa si Chokoleit… VICE, NAG-AUDITION SA MOVIE, TINANGGIHAN NI DIREK JOEL

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Nov 27, 2022
  • 1 min read

ni Janiz Navida @Showbiz Special | November 27, 2022



Speaking of Direk Joel Lamangan, nainterbyu namin ito bago nag-umpisa ang presscon ng My Father, Myself at natanong namin kung sino pa ang mga dream niyang maidirek na gusto niyang mabigyan ng award kapag hinawakan niya.


Sa dami ng artistang nahawakan ni Direk Joel na naging Best Actor o Best Actress, sino ba'ng aayaw na maidirek niya?


Dahil wala siyang maisip na dream niyang maidirek, nag-suggest kami ng mga pangalan sa kanya hanggang mabanggit nga namin ang name ni Vice Ganda na parang never pa niyang nagawan ng movie.


Kilala kasi si Direk Joel sa mga mabibigat na temang pelikula na talagang quality films kaya parang challenge para sa kanya kung si Vice Ganda ang maididirek niya sa isang movie na tulad ng Markova ni Dolphy.


Trivia at pag-amin sa amin ni Direk, nag-audition pala sa kanya noon si Vice Ganda para sa Zsa Zsa Zaturnnah, pero dahil hindi raw bagay sa role ang pagiging matangkad ni Vice ay mas kinuha niya si Chokoleit (SLN).


So, hindi ba't exciting na one day, maidirek din ni Direk Joel si Vice Ganda at mas maganda kung mananalo ng Best Actor award si Vice dahil kay Direk Lamangan.

Sey n'yo?


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page