Mas oks daw na live-in na lang… MADIR NI CRISTINE, TUTOL NA MAGPAKASAL SILA NI MARCO
- BULGAR
- Aug 20, 2023
- 2 min read
ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | August 20, 2023

Ang sexy at blooming ni Cristine Reyes nang humarap sa press sa mediacon ng pelikulang Kidnap for Romance katambal ni Empoy Marquez. Kaya naman, tinutukso siya na happy ang love life kaya ibang-iba ang aura niya ngayon.
At mukhang enjoy si Cristine na nakapareha si Empoy dahil ang saya-saya raw nila sa set habang nagsu-shooting. Para lang daw silang naglalaro ni Empoy dahil lagi silang nagkukulitan.
Twenty years na sa showbiz si Cristine Reyes. Nakagawa na siya ng iba't ibang klaseng role tulad ng drama, sexy at action, kaya gusto niya ang bago niyang movie na Kidnap for Romance na action-comedy.
Kasama nila rito sina Buboy Garovillo, Yayo Aguila, Jeric Raval, Nikko Trinidad at Archie Adamos atbp. mula sa direksiyon ni Victor Villanueva at showing na sa Sept. 6.
Well, happy sa kanyang love life ngayon si Cristine. Open sila ni Marco Gumabao sa kanilang relasyon, pero ayaw na nilang magbigay pa ng detalye sa publiko.

Nakikita naman sa kanilang mga posts sa social media na masaya sila ni Marco.
Pero, may balitang tutol daw ang mommy ni Cristine na si Venus Imperial na sila ay magpakasal.
Although tanggap na ng kanyang ina si Marco, ayaw daw ni Mommy Venus na sumabak agad sila sa pagpapakasal. Okey daw kung magli-live-in lang muna sila upang makilala nila nang husto ang ugali ng isa't isa, lalo na't anim na taon ang tanda ni Cristine kay Marco Gumabao.
Baka raw kasi magbago ang nararamdaman ni Marco kapag kasal na sila ni Cristine.
Ganunpaman, ang Ate Ara Mina ni Cristine ay botong-boto naman kay Marco Gumabao.
Nakikita raw ni Ara na disente, mabait at seryoso kay Cristine si Marco at tanggap ang nakaraan ng GF, pati ang pagkakaroon nito ng anak.





Comments