top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Mas oks daw na kasama sina Sharon at Kakie… KC, UUWI NG 'PINAS PARA IKAMPANYA SI KIKO

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 23, 2022
1 min read

ni Nitz Miralles - @Bida |February 23, 2022





Mukhang malapit nang bumalik ng Pilipinas si KC Concepcion dahil ipina-general cleaning na nito ang kanyang bahay. Sabi rin naman ni KC, "Philippines, see you soon!”


Dahil pauwi na si KC, may mga imbitasyon na sa kanya, gaya ni Christine Babao na nagyaya ng dinner. May follower lang si KC na pumalag, ‘wag daw siyang sasamang mag-dinner kay Christine dahil BBM ito at si Sara Duterte at hindi ang stepdad niyang si Sen. Kiko Pangilinan ang ibobotong VP.


Nakakalungkot na pati friendship, apektado ng pulitika. Dapat bang hindi muna friends habang wala pa ang election?


May mga natutuwa rin naman na uuwi na si KC dahil makakatulong na siya sa kampanya ni Kiko at nagpahayag na ng suporta sa kanyang daddy.


Anyway, kahapon, kasama nga ni Kiko si Sharon sa kampanya sa Tarlac at pareho silang pink ang suot. Maganda nga naman kung sa ibang campaign sortie ni Kiko, kasama niya sina Sharon, KC at Frankie Pangilinan.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page