Mas na-appreciate ng mga tao ang buhay dahil sa COVID-19
ni Ka Ambo - @Bistado | April 19, 2021
Tinamaan na rin ng COVID-19 ang bilyunaryong si Lucio Tan.
Ang COVID-19 ay parang “pag-ibig”, walang mahirap, walang mayaman!
◘◘◘
NAGBUNSOD ang COVID-19 nang reunion ng mga angkan at pamilya.
Hindi na naglalakwatsa sina Tatay, Nanay, Ate at Kuya.
Palagi namang may kalaro si Bunso!
◘◘◘
NATUTONG kumain ng gulay, prutas at masusustansiyang pagkain ang mga tao. Natutong mag-ehersisyo, umiwas sa asukal, asin at mantika; at higit sa lahat ay nagpigil kumain!
◘◘◘
NATUTONG tumulong sa kapwa ang mga tao. Natutong magdasal at unawain kung ano ang halaga ng buhay!
◘◘◘
KAHIT sa istorya sa Bibliya, ang “Diyos ng Israel” ay nagpadala ng pitong peste kung saan ang bawat bahay ay namatay ang panganay ng anak.
Mistulang peste ng COVID-19—sapagkat lumuha nang walang patid ang mga ina—lahat ng tahanan ay may naglalamay!
◘◘◘
BAGO magkaroon ng COVID-19, isina-legal ang same-sex marriage kung saan ang magkaparehong kasarian ay pinagtataling-puso nang may basbas ng simbahan at gobyerno.
Sumpa sa Soddom at Gomorrah ang nararanasan ngayon ng daigdig!
◘◘◘
ISYU na ngayon ang “kakayahan” ni P-Digong na magdesisyon para sa bansa. Ang kanyang recorded press conference ay pinagdududahan.
Bistado ang estilo ng pagbibigay niya ng mensahe—walang direksiyon.
◘◘◘
HINDI na pinapatulan ng publiko ang mensahe ng Pangulo, hindi “presidentiable” ang estilo ng kanyang pahayag.
Ang sitwasyong ito ay maaaring samantalahin at gamitin ng kanyang mga kalaban sa pulitika at personal niyang kaaway!
◘◘◘
ANG negatibong larawan ni P-Digong ay maaari ring gamitin ng mga dayuhan para guluhin ang bansa. Ipagdasal nating hindi tayo matulad sa Myanmar.
Ito ay ang panganib ng military takeover!





Comments