top of page
IG alfredvargasofficial.jpg

Mas matapang na rin daw ngayon… “PALABAN PO TALAGA AKO” — ALEXA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 3 hours ago
  • 2 min read

ni Reggee Bonoan @Sheet Matters | June 4, 2026



SHEET - “PALABAN PO TALAGA AKO” - ALEXA-IG _alexailacad

Photo: IG _alexailacad



Maraming makaka-relate sa bagong iWant original series na Miss Behave (MB) na nagsimulang mapanood kahapon, Hunyo 3, Miyerkules, dahil tumatalakay ito sa bullying, trauma at iba pang isyung kinahaharap ng kabataan.


Si Alexa Ilacad ang bida bilang si Marla Briones, isang top-achiever student na masisira ang iniingatang reputasyon matapos kumalat ang kanyang mga pribadong larawan sa kanilang paaralan.


Kasama rin sina Xyriel Manabat, Reign Parani, Andi Abaya, at Rans Rifol sa iskandalong magdudulot ng kahihiyan sa kanila.


Dahil sa kanilang magkakaibang personalidad, nagsanib-puwersa sila upang matukoy at mapanagot ang mga nagpakalat ng mga larawan ni Marla.


“We made it with so much heart and pure intentions. Inaalay namin ‘to sa lahat ng kabataan at kababaihan na dumanas sa pinagdaanan ng mga karakter namin. This is for the victims and survivors of such incidents,” sey ni Alexa.


Dagdag pa niya, “One thing about me na I think people can tell naman is palaban po talaga ako.


“At bukod sa pagiging palaban, ang word of my life ngayon ay matapang na ako. So that’s what I had to channel for Miss Behave. Kailangan ko s’yang tapangan. Kung gagawin ko ‘to, it’s all in or nothing at all.”


Ayon naman sa direktor na si Ivan Andrew Payawal, “I think the heart and depth of Miss Behave really is it talks about traumas, especially among girls, and it also talks about misogyny, a system that keeps failing people. So it’s very relevant, very now, especially sa mga nangyayari sa atin ngayon.”


May kani-kanyang leading man ang mga bidang babae at kabilang dito sina JC Alcantara, Akira Morishita, Raven Rigor, Zach Castañeda, LA Santos, at Zach Guerrero.

Eksklusibong mapapanood ang mga bagong episodes ng Miss Behave tuwing Miyerkules sa iWant sa pamamagitan ng subscription plans.





MAY karanasan ang aktor-singer na si JC Alcantara na hindi niya makakalimutan at aminadong hanggang ngayon ay may trust issues pa rin siya.


Sa ginanap na mediacon ng Miss Behave (MB) sa Central Square Mall, Bonifacio Global City (BGC) nitong Hunyo 1, inamin niyang labis siyang nasaktan sa mga pinagdaanan niya.


“Ang dami kong trauma sa mga friends. Ang hirap makahanap ng pagkakatiwalaan at ang pinagkakatiwalaan ko na lang ay ‘yung mga kaibigan ko sa probinsiya. Kaya minsan, pagkatapos ng trabaho, umuuwi ako ru’n.


“Pero mahirap pa ring ibigay ang buong tiwala, ilang beses na akong pinagtaksilan at sinaktan. Kaya minsan, napapansin nilang tahimik lang ako at hirap mag-open up.


“Sobrang totoo kong tao at mapagmahal akong kaibigan ‘pag nakilala nila ako. Suportado ko rin ang mga taong mahalaga sa akin. Ang problema, dala ko pa rin ang sakit ng mga nangyari kaya nahihirapan akong magtiwala nang lubos,” seryosong kuwento ni JC.


Galing probinsiya si JC nang mapadpad sa Maynila upang hanapin ang kanyang kapalaran. Kalaunan ay napabilang siya sa Star Magic Batch 19. Ang una niyang proyekto ay ang online series na Hello Stranger (HS) kasama si Tony Labrusca na ipinalabas noong kasagsagan ng pandemya.


Iisa ang naririnig naming kuwento tungkol sa aktor — marespeto, mabait, propesyonal, at gentleman sa kanyang mga katrabaho.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page