top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Mas mataas na demand ng internet, paghandaan!

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 9, 2020
2 min read

ni Ryan Sison - @Boses | December 9, 2020


Hindi lang trabaho at pag-aaral ang apektado ng mabagal na internet connection sa bansa dahil ngayon, maging ang mga ganap tuwing holiday season ay online na rin.


Kabilang na rito ang virtual Christmas party, get-together, year-end party at iba pang pagtitipon tuwing holiday season.


Kaya naman, tiyak na tataas ang demand ng paggamit ng internet, dahilan para atasan ng National Telecommunications Commission (NTC) ang mga telecommunications company (telcos) na lalo pang ayusin ang kanilang serbisyo ngayong Kapaskuhan dahil sa inaasahang pagtaas pa ng demand sa internet ng publiko.


Upang matiyak na walang magaganap na disruption sa serbisyo sa internet, dapat umanong mayroon nang “heightened level of emergency preparedness” ang mga telco.


Gayundin, inatasan ang mga ito na madaliin ang kanilang maintenance efforts, taasan ang internet o broadband capacities at tiyakin ang pagkakaron ng business continuity, habang hindi dapat makalimutan ang pagtiyak na handa ang disaster recovery protocols 24/7.


Matatandaang kamakailan, lumabas sa pag-aaral ng Ooakla, ang global leader sa mobile at broadband network intelligence technology, na bumubuti ang serbisyo ng internet sa bansa.


Gayunman, magandang balita na bumubuti ang internet service sa bansa, kaya panawagan sa mga telco, galaw-galaw naman para magpatuloy ang magandang serbisyo ninyo.


Matapos ang pananalasa ng mga bagyo, matatandaang inulan ng reklamo ang telco dahil hindi agad naibalik ang internet service dahilan kaya hirap makabalik sa pag-aaral ang mga estudyante.


Kaya ngayong mabuting internet ang kailangan para kahit paano ay makapagdiwang ng Kapaskuhan, baka naman puwede itong paghandaan ng mga telco.


Kakaiba man ang Kapaskuhan ngayong taon, patuloy sana itong maipagdiwang kahit magkakalayo ang mga pamilya o kaibigan.

Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page