top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Mas maraming sekyu at heath protocols officer sa malls, oks!

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 7, 2020
2 min read

ni Ryan Sison - @Boses | December 7, 2020


Kamakailan, naging pinal ang desisyon ng Metro Manila mayors hinggil sa pagpapapasok ng mga menor-de-edad sa mall.


Tutol ang mga alkalde na payagang mamasyal ang kabataan sa malls ngayong Kapaskuhan, maliban na lang kung “essential” o mahalaga ang pakay ng mga ito.


Kaugnay nito, agad namang sumunod ang mga pamunuan ng mall sa Metro Manila, kaya dinagdagan na ng mga ito ang kanilang health protocol officers at guwardiya upang mahigpit na bantayan ang mga menor-de-edad.


Ayon sa pamunuan ng isang mall, may mga umiikot na guard sa kanilang malls para masigurong essentials lamang ang pupuntahan ng menor-de-edad tulad ng dental clinic.


Habang tinitiyak na tumatalima sa kautusan ng mga lokal na pamahalaan ang mga mall, nangako ang mga ito na hindi sila manghuhuli, sa halip, patuloy ang gagawing paalala sa publiko na bawal ang menor-de-edad na walang mahalagang pakay sa mga mall

Panawagan lang sa mga pamunuan ng malls, sumunod sa lahat ng oras at hindi sa umpisa lang.


Bagama’t walang hulihan, pag-aralan natin kung paano mapasusunod ang publiko. Baka kasi todo-sabi tayong bawal, pero ‘pag nadaan sa pakiusap, larga na.


Paalala sa mga magulang, tayo ang responsible sa kilos ng ating mga anak kaya hangga’t maaari, tiyaking nababantayan natin sila. Kung puwedeng hindi na isama ang mga bata sa mall, ‘wag na.


‘Pag sinabing bawal, bawal!


Tulad ng paulit-ulit nating pakiusap sa lahat, makiisa tayo sa mga kautusan dahil para naman ito sa ating lahat. Bagama’t maraming ipinagbabawal ngayon at limitado ang ating galaw, tiis-tiis muna dahil hindi naman ito pang-forever.

Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page