Mas maraming namamatay sa stress at depression kaysa sa COVID-19, masaklap na katotohanan!
- BULGAR

- Dec 5, 2020
- 2 min read
ni Ka Ambo - @Bistado | December 5, 2020
Itinumba raw ang mayor ng Los Baños, Laguna sa loob mismo ng munisipyo.
Marami pa ang kasunod?
◘◘◘
Suicide raw ang dahilan sa pagkamatay ng isang band leader.
Panibagong biktima ng “stress” o “depression” sa panahon ng COVID-19!
◘◘◘
Kung bibilangin, mas marami ang bilang ng namatay sa sakit dulot ng matinding stress kaysa sa sakit dulot ng COVID-19.
Bakit hindi naglalabas ng datos ang WHO at DOH tungkol sa panganib na dulo ng depresyon at stress?
◘◘◘
Bakit walang task force na binuo ang Malacañang na aasiste sa mga taong dumaranas ng depresyon dahil sa krisis na nararanasan?
Ang psychology at psychiatry ay dalawang dambuhalang larangan na may mahalagang ginagampanan papel sa panahon ng krisis!
◘◘◘
Tulad ng COVID-19, si P-Duterte, miyembro ng gabinete at Kongreso ay hindi ligtas sa panganib ng stress at depresyon.
Pilit na itinatago ng mga biktima ng depresyon at stress ang hirap na kanilang nararanasan!
◘◘◘
Ang krimen ay karaniwang bunga ng matinding depresyon kaya’t ang pagpatay sa mga suspek ay hindi kailanman makatarungan o hindi makatao.
Ito ay dahil ang biktima ay dumaranas ng depresyon o wala sa maayos na katinuan!
◘◘◘
Maging ang pagiging kritiko, pagrerebelde o paglaban sa mga awtoridad o pagsuway ng anak sa magulang ay maaaring bunga ng depresyon.
Kapos ang kakayahan ng gobyerno na asistehan ang mamamayan na “wala sa maayos na katinuan”!
◘◘◘
Ang paghina ng immune system ay maaaring bunga rin ng matinding depresyon kung saan makararanas ang biktima ng mga hindi maipaliwanag na sakit.
Marami ang may alta-presyon, diabetes, palpitation, sakit ng ulo, sakit ng katawan at pananakit ng iba’t ibang bahagi ng katawan—na sanhi ng depresyon.
Kaawa-awa ang mga tao na nakararanas nito dahil hindi sila prayoridad ng gobyerno sa panahon ng COVID-19!
◘◘◘
Sana’y bigyan ng gobyerno ng atensiyon ang lahat ng nakararanas ng iba’t ibang sakit—hindi lamang ang mga may sintomas ng COVID-19.
Isa ‘yan sa malaking pagkukulang ng nagpa-panic na pamahalaan!





Comments