top of page
Pokwang.jpg

Mas maraming made-dedo sa gutom kaysa sa virus, period!

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 12, 2021
2 min read

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | February 12, 2021



MAS MARAMI ANG MAMAMATAY SA GUTOM KAYSA SA VIRUS—Matapos ihayag ni Sec. Silvestre Bello III ng Department of Labor and Employment (DOLE), na higit 5 milyong Pinoy na ang nawalan ng trabaho dulot ng COVID-19 pandemic, iminungkahi ni Employers Confederation of the Philippines (ECOP) president Sergio Ortiz-Luis sa Duterte gov’t. na hayaan nang mag-open ang mga kumpanyang hindi pa pinapayagang mag-operate, at ang mga kumpanya namang pinayagang mag-open ay 50% lang ang operation sa ilalim ng GCQ (General Community Quarantine).


‘Ika nga ni Ortiz-Luis, sisiw daw ang bilang ng mahigit 10,000 namatay sa virus sa mga mamamatay sa gutom kapag hindi pa pinayagang mag-open at mag-full operations ang mga kumpanyang sakop sa mga lugar na nasa ilalim ng GCQ, period!


◘◘◘


HINDI LANG LEGAL GAMBLING ANG OPEN, PATI ANG MGA ILLEGAL GAMBLING—Sa totoo lang, hindi maintindihan ng publiko kung bakit ayaw pang payagan ng gobyerno na mag-operate ang ibang kumpanya sa ilalim ng GCQ tulad ng mga travel agencies, sinehan, pubs and bars, gyms at iba pa, gayung ang mga pasugalang tulad ng mga casino, small-town lottery at Perya ng Bayan ay full na ang operations.


Ang nakakabuwisit pa, hindi lang legal na pasugalan ang open na na ngayon, kundi pati ang mga illegal gambling, buwisit!


◘◘◘


AKLAN GOVERNOR, MAHIGPIT SA MGA EMPLEYADO NG HOTEL, MALUWAG SA MGA KUBRADOR NG PERYA NG BAYAN—Bilang bahagi ng laban kontra COVID-19 ay naglabas ng direktiba si Aklan Gov. Florencio Miraflores sa mga hotel owners sa Boracay Island na huwag palabasin sa isla ang kanilang mga empleyado, at ang tanging papayagan lang lumabas ay iyong may mga importanteng gagawin sa labas ng mga establisimyento.


Sobrang higpit ni Gov. Miraflores sa mga empleyado ng mga hotel, pero sa mga kubrador ng “Perya ng Bayan”, eh, ang luwag, na kahit nagbabahay-bahay ang mga ito para magpataya ay dedma lang ang pamahalaang panlalawigan, buwisit!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page