Mas marami ang ayaw magpabakuna kaysa sa mga may gustong maturukan
- BULGAR
- Apr 18, 2021
- 1 min read
ni Ka Ambo - @Bistado | April 18, 2021
Aktuwal nang binarikadahan ng mga barko-de-giyera ng Pilipinas at U.S. ang West Philippine Sea.
Nagtatakbo ang mga militanteng Tsino.
He-he-he!
◘◘◘
NAKAPULOT ng taktika ang Malacañang laban sa Tsekwa.
Esep-esep din kasi dapat paminsan-minsan!
◘◘◘
MALINAW na hindi puwede ang pambu-bully ng China sa Pilipinas.
‘Yan ay sa pasubaling kasangga palagi ang ‘Kano!
◘◘◘
HUMIHINA na ang epekto ng COVID.
Klap-klap-klap!
◘◘◘
KAPAG biglang lumitaw, siyempre ay bigla ring maglalaho.
Ang pumapaimbulog ay walang ibang kauuwian kundi ang bumulusok.
‘Yan ay batas ng kalikasan na mararanasan din ng COVID virus!
◘◘◘
ANG COVID virus ay singaw ng panahon.
Peste ang tawag d’yan ng matatanda.
Kusang maglalaho kahit hindi mag-lockdown!
◘◘◘
LULUSOG ang bawat maturukan ng anumang bakuna kontra COVID.
Pinalalakas nito ang immune system!
◘◘◘
MAS marami pa rin ang ayaw magpabakuna kaysa sa mga may gustong maturukan.
Natatakot daw sila!
◘◘◘
SA totoo lang, hindi sa epekto ng bakuna takot ang mga Pinoy.
Takot lang sila mismo sa “turok ng mismong karayom”.
May phobia sila sa “turok”!
◘◘◘
MAY solusyon tayo upang maparami ang bilang ng magkukusang magpabakuna.
Hindi kaya puwedeng haluan ng “glutathione” ang Sinovac at AstraZeneca.
Kapag may “gluta” ang bakuna—tiyak na magkakandarapa ang mga ‘yan sa pagpapaturok!
◘◘◘
PUWEDE ring may apat na table na daraanan ang mga magpapabakuna.
Table 1 sa rehistro.
Table 2 sa pagkuha ng blood pressure.
Table 3 sa turok ng COVID vaccine.
Table 4 sa turok ng gluta.
Ha-ha-ha!





Comments