Mas maluwag na ang lockdown, happy na si Santa!
- BULGAR
- Nov 19, 2021
- 1 min read
ni Ka Ambo - @Bistado | November 19, 2021
ABOGADO na rin ni ex-Sen. Bongbong Marcos ang dating Solicitor General na si Estelito Mendoza.
Hala!
◘◘◘
KUMPIRMADO na ang tandem nina BBM at Inday.
Tapos na?
◘◘◘
WALA nang atrasan ang mga presidentiables.
Naka-set-up na ang kani-kanyang kampo!
◘◘◘
BILYUN-BILYONG piso ang nakahandang gastusin hanggang Mayo 2022.
Malaking tulong ‘yan sa ekonomiya!
◘◘◘
PUWEDE nang magpa-booster.
Pero, ‘yung iba, matagal nang nagpa-booster!
◘◘◘
READY na rin ang face-to-face class.
Sa wakas, makakatikim ng “graduation march” ang aking unico hijo!
◘◘◘
UNTI-UNTI nang pinababalik sa trabaho ang ilang obrero.
Pero mas marami pa rin ang tambay hanggang Pasko!
◘◘◘
TAMEME pa rin ang employment ng OFW sa abroad.
‘Yan ay krisis!
◘◘◘
BAKIT walang libreng anti-flu at anti-pneumonia vaccine para sa mga senior citizen?
Malaking scam!
◘◘◘
MAY ilang kandidato na ang binaril at napatay.
‘Wag sanang madagdagan pa ito!
◘◘◘
MALUWAG na ang lockdown.
Yipee, masaya si Santa Claus!





Comments