by Info @News | January 28, 2026

Photo: FB / Sebastian ‘Baste’ Duterte at Chinese Ambassador to Philippines Jing Quan - City Information Office Davao City
‘Buntot niya, hila niya’
Ito ang naging pahayag ni Palace Press Officer at Presidential Communications Office (PCO) Usec. Claire Castro sa pakikipagpulong ni Davao City Mayor Sebastian ‘Baste’ Duterte kay Chinese Ambassador to Philippines Jing Quan nitong Lunes, Enero 26.
Sa kabila ito ng maiinit na sagutan ng Embahada ng China at ng ilang opisyal ng Pilipinas, partikular na sa Senado.
Aniya, “Kung ano man po ang ginagawa niya, consequence niya. Wala pong magagawa ang Pangulo sa kung ano man pong ginagawa ng anumang mayor provided na hindi ito labag sa batas.”
Gayunpaman, wala umanong reaksyon ang Pangulo at Palasyo tungkol dito.





