top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Mas mahal pa raw sa tuition fee… HEART, IDINISPLEY ANG P25 K NA PRADA LUNCH BOX

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 10, 2021
1 min read

ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | January 10, 2021




Pinagkaguluhan ng mga netizens ang ipinost ni Heart Evangelista na Prada lunch box, utensils and tumbler. Siyempre pa, lahat sila ay halatang na-amaze sa branded baunan.


Caption ni Heart, “My elementary school self would've loved this.”


Maging ang famous designer na si Rajo Laurel ay napa-react ng tatlong “smiling face with heart eyes” emoji.


Komento naman ng isang netizen, siya nga raw ay Selecta ice cream container lang ang kanyang baunan, na sinagot naman ng isa ng “Sa amin nga, dahon ng saging.”


“Ano kaya'ng lasa ng food 'pag nakalagay sa Prada?” komento ng isang netizen.


“Kung nagagalit ang mga nanay 'pag nawawala ang Tupperware, ano pa kaya 'pag ito ang na-misplace?” sey ng isa pa.


“Mas mahal pa yata sa tuition ko itong baunan set. But I don’t mind, hahaha, love it!” comment naman ng isa pang follower.


May nagtanong kung magkano raw ang isang set ng baunan at may sumagot namang P25,000 daw ang halaga nito.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page