top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Mas mahabang mall hours at maiksing curfew, ‘wag abusuhin!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Nov 3, 2021
  • 2 min read

ni Ryan Sison - @Boses | November 3, 2021



Tuwing holiday season, inaasahan na ang pagdagsa ng maraming tao sa iba’t ibang lugar gaya ng mga pasyalan at pamilihan tulad ng mga mall.


Kasabay nito ang mabigat na trapik sa mga lansangan, at kahit pa may pandemya, hindi papatinag ang publiko, at sige sa paglabas.


Kaugnay nito, pumayag na ang mga mall owners na pahabain ang kanilang operating hours ngayong holiday season upang makatulong sa pag-iwas sa mabigat na trapiko sa mga lansangan.


Ito ang kinumpirma ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairman Benhur Abalos at aniya, pataas nang pataas ang bilang ng mga sasakyan sa EDSA, na nagbubunga ng mas mabigat na daloy ng trapiko kaya kinausap nila ang mall owners sa ganitong aksiyon.


Matatandaang unang hiniling ng opisyal sa mall owners ang pagpapahaba ng operating hours at huwag magsagawa ng sale kapag weekdays at sa halip ay weekends at holidays na lamang upang hindi maapektuhan ang daloy ng trapiko at matulungan ang pagbangon ng ekonomiya.


Samantala, nakatakda naman aniya silang magpalabas ng resolusyon tungkol sa curfew na napagkasundan na rin ng Metro Manila mayors. Sa kasalukuyan ang ipinatutupad na curfew ay mula alas-12: 00 ng hatinggabi hanggang alas-4:00 ng madaling-araw.


Kung para sa ekonomiya ang pagluluwag, good news ito, pero tulad ng palagi nating sinasabi, ‘wag abusuhin ang mga hakbang na ipinatutupad.


Paalala lang sa mga kinauukulan, asahan na ang pagdagsa ng mga tao at paghandaan ang mga posibleng mangyari. At kasabay nito, tiyaking nasusunod ang health protocols sa loob ng mall, gayundin, siguraduhing kayang panatihilin ng mga may-ari ng mga tindahan sa mall ang kaayusan sa kanilang puwesto.


At para sa mga nagbabalak mamili o mamasyal, ingat-ingat na lang at iwasang magpasaway.


Maganda na hangga’t maaga ay alam na natin ang mga susunod na hakbang upang maiwasan ang aberya.


Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page