top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Mas mahabang ECQ, hindi malabong mangyari

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 4, 2021
  • 1 min read

ni Ka Ambo - @Bistado | August 04, 2021



Umamin na si Raymond Gutierrez na siya ay certified bakla.


Sinong next?


◘◘◘


MAGBIBIGAY ng cash assistance ang gobyerno sa 80-porsiyento ng NCR population.


Wow, Philippines!


◘◘◘


SINUSPINDE ang voters’ registration sa loob ng ECQ.


Isuspinde rin kaya ang eleksiyon sa Mayo 2022?


◘◘◘


NAGPASALAMAT si P-Digong sa US dahil sa kaloob na COVID vaccines.


Natututo siyang magpakumbaba sa mga Kano!


◘◘◘


NAGKASYA sa Olympic silver si Nesthy Petecio.


Na-duplicate niya ang Olympic silver ni Anthony Villanueva!


◘◘◘


NAKATITIYAK na ang Pilipinas ng unang Olympic Gold; second Olympic Silver at isa pang Olympic bronze medal.


Pambihira na ito sa kasaysayan ng bansa!


◘◘◘


HINDI paramihan ng bilang ng atleta sa paglahok sa Olympic, kahit kaunti, maaaring makapaghandog ng pambihirang karangalan sa bansa.


Ganyan din sa pagbuo ng political party.


Mahalaga ang kalidad, hindi ng bilang!


◘◘◘


SA organisasyon, mahalaga ang tibay ng political party.


Ito ay binubuo ng mahuhusay na haligi ng partido.


Ang botante ay pinararami ng mahuhusay na lider.


Marami mang miyembro ng partido, pero banban naman, balewala rin ito!


◘◘◘


MARAMI ang nagtatanong, bakit hindi tinutukoy ng IATF at media kung ano ang kategorya ng Bumbay na nagpa-five-six?


Haharangin ba sila sa checkpoint o palulusutin sa panahon ng ECQ?


◘◘◘


INAASAHANG palalawigin pa ang ECQ hanggang Setyembre.


Hindi nakikita ang kalaban.


Pinaniniwalaang kalat na ito pero hindi lang natutukoy nang malinaw!


◘◘◘


BAGSAK na bagsak na ang ekonomiya, malabo na itong makabangon.


Maaaring sorpresang matalo ang mga incumbent nang hindi nila namamamalayan!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page