top of page
TEKA NGA - MARIEL, KUMALAT NA TATAKBONG SENADOR, NILAIT NG NETIZENS_IG _marieltpadilla.jpe

Mas maginhawa pa ang buhay sa probinsiya kaysa sa mga taga-Metro Manila

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 19, 2021
1 min read

ni Ka Ambo - @Bistado | March 19, 2021



Nagmamaniobra na ang oposisyon kontra sa kandidato ni P-Digong.


Normal ‘yan!


◘◘◘


AYON sa mga eksperto kuno, makatutulong ang pagtuturok ng COVID vaccine para pigilan ang pagdami ng tinatamaan ng naturang virus.


Siyempre!


◘◘◘


MAY nagtatanong: ‘Pag daw ba bumagsak nang todo ang ekonomiya ay matatalo ang manok ni P-Digong sa 2022?


Pwes, ano ang dasal ng anti-Digong?


Lagim!


◘◘◘


KINOKONTRA ng isang paksiyon sa loob ng PDP-Laban ang public statement ng kanilang pangulo na si Sen. Manny Pacquiao.


Ngek!


◘◘◘


ANO na ibig sabihin ng liderato?


Popular na termino ‘yan pero kakaunti ang nakauunawa.


Dapat unawain muna ‘yan ng isang kandidato bago siya mag-file ng COC!


◘◘◘


KAPAG hindi nauunawaan ng kandidato ang kahulugan ng liderato, madali mauto ng kanyang mga amuyong.


Kumbaga, lulutuin siya sa sarili niyang mantika.


At makakalaban niya ang kanyang “sarili”!


◘◘◘


TAMA ang dakilang komedyante si Pidol pero hindi pinakinggan ni Da King.


May liderato ba si Da King?


Kung ano ang sagot, ‘yan ang dahilan ng kanyang kabiguan!


◘◘◘


MAY kakayahan si Dolphy na magwagi.


At inamin niya, natatakot siya manalo sa eleksiyon.


Isang mensahe ng taong mapagpakumbabang loob!


◘◘◘


NASAAN na ang pautang ng gobyerno sa maliliit na negosyanteng nabangkarote sa krisis?


Nasa mga kakandidato sa 2022!


◘◘◘


MAS maginhawa ang buhay ng mga nasa lalawigan kaysa sa buhay ng mga nasa Metro Manila.


Wala kasing hard lockdown sa kanila.


Aktuwal nang bumaliktad ang ikot ng mundo!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page