Mas gustong magnegosyo na lang kesa mag-artista… KIRAY, KUMITA NG P8 M SA LIVE SELLING
- BULGAR
- Feb 5
- 3 min read
ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | Feb. 5, 2025
Photo: Kiray Celis - IG
Sumabak na rin sa pagnenegosyo si Kiray Celis. She just launched her very own slimming and beauty brands — ang Hot Babe Coffee slimming drink, Hello Bloom juice, and Day-li supplements.
Ayon kay Kiray sa intimate presscon held recently, nagsimula siyang magkaroon ng ideya sa pagnenegosyo during the pandemic nang kumita siya ng tumataginting na P8 million in live selling.
Ang boyfriend niyang si Stephan Estopia ang nag-encourage sa kanya na magkaroon ng sariling negosyo.
“Sabi n’ya, kung nakakabenta ako sa ibang product, why not gumawa ako ng sarili ko? S’ya talaga ‘yung nagpapalakas ng loob ko kasi nga, ‘di talaga ako business-minded. Pero mas okey pala talaga,” sabi ni Kiray.
Naging click agad ang tatlong produktong sinimulan niya, at sa ngayon ay milyones na ang kanyang kinikita sa pagbebenta pa lang nito sa kanyang social media pages.
Dahil nga sa ganda ng sales ng kanyang produkto, sinabi ni Kiray na rito muna siya magpo-focus in the meantime more than her showbiz career.
“Hindi naman ako mawawala. Makikita n’yo pa rin po ako, pero hindi lang ‘yung talagang arteng-arte na… Though ang last ko pong ginawa, ‘yung kay Marian Rivera na My Guardian Alien, last year lang. So, inisip ko po, kung magseseryoso po talaga ako rito, kailangan ko s’yang i-prioritize,” aniya.
Bukod dito, ilang taon na rin naman daw siya sa showbiz at feeling niya ay nagawa na niya ang lahat ng klase ng roles.
“Napuntahan ko na lahat ng call time,” natatawa niyang sabi.
Aniya, “Lahat ng location, napuntahan ko na.”
At sa nakikita raw niyang magandang resulta ng kanyang produkto, baka raw para sa pagnenegosyo siya talaga.
“Hindi ko naman iiwan (ang showbiz), nandu’n pa rin ako. Nakakatuwa nga po na kahit wala akong ginagawa ngayon, nakikilala pa rin ako ng mga tao. At natutuwa ako na kaya rin sila bumibili kasi kilala nila ako as Kiray, ‘di ba?
“Pero ‘yun, healthier me, and family time naman this year,” aniya.
Ginulat nga ni Kiray ang press dahil sobrang slim niya ngayon, at ito ay dahil nga raw sa kanyang mga produktong epektibo raw talaga. From 56 kilos, ngayon daw ay 37 kilos na lang siya.
“Hindi pa ako nagwo-workout,” aniya.
MAGING ang ilang celebrities natin ay nagluluksa sa pagpanaw ng Taiwanese actress na si Barbie Hsu, o mas kilala rito sa atin bilang si Shan Cai ng Meteor Garden (MG).
Pumanaw si Barbie nitong February 2, 2025, dahil sa pneumonia dulot ng influenza habang nagbabakasyon sa Tokyo, Japan. Kinumpirma ng kanyang sister na si Dee Hsu ang kanyang pagpanaw nitong February 3. She was 48.
Isa si Kim Chiu sa mga shocked na shocked nang mabalitaan ang pagpanaw ni Barbie. Fan din pala siya ng aktres at ng hit Taiwanese series na MG, kung saan ginampanan nito ang iconic role na Shan Cai.
Sa tweet ni Kimmy sa kanyang X (dating Twitter) account, inalala niya ang pagkabaliw niya sa MG during her school days.
“OMG!!!!!! Naalala ko after school, magmamadali ako umuwi para mapanood lang ang MG. ‘Pag ‘di ko na maabutan, makikinood ako sa karinderya sa labas ng school namin,” pagre-recall ni Chinita Princess.
“OMG!!!! I love you, Shan Cai!!!! May you rest in peace!” aniya pa.
Nagpasalamat din siya kay Barbie dahil naging makulay daw ang kanyang childhood because of her and her pigtail braids.
“Thank you sa makulay naming childhood. Pigtail braids!” sey ni Kimmy.
Bukod dito, nag-post din si Alex Gonzaga ng lumang larawan nila ni Luis Manzano kung saan ginaya nila ang kasuotan at ayos nina Barbie at Jerry Yan as Shan Cai and Dao Ming Si in Meteor Garden.
“My obsession with Meteor Garden is real. Ikaw lang nakasira, @luckymanzano,” caption ni Alex Gonzaga.
Comments