Mas gusto raw kay Duterte… WILLIE, PUMALAG NA TUMAWAG KAY TITO SEN PARA ISAMA SA PAGKA-SENADOR
ni Julie Bonifacio @Winner | March 9, 2024

How true na pinalagan ng TV host na si Willie Revillame ang tsikang tumawag siya kay dating Senador Tito Sotto para isama sa line-up ng senatorial candidates nito?
Tila nagbubuo na ng line-up ng mga gustong makasama sa tiket niya si Tito sa susunod na eleksiyon at may posibilidad daw na muling tumakbo bilang bise-presidente si Tito Sen.
As for Willie, hindi naman lingid sa marami ang intensiyon niya na pasukin na ang pulitika at tumakbo bilang senador sa susunod na halalan.
Pero, ‘di rin niya itinatago na loyal supporter siya ni dating Presidente Rodrigo Duterte at close siya sa big allies nito gaya ni Senador Bong Go.
Dati pa man ay nililigawan na ng kampo ni Duterte si Willie na tumakbo. At ngayong nakapagdesisyon na ang TV host, it’s very natural na doon siya sasama sa mga taong matagal nang kumukumbinse sa kanya na tumakbo.
Wala rin naman tayong nabalitaan na nagkaroon ng samahan sina Willie at Tito. In fact, lagi pang magkatapat ang mga programa nila sa pananghalian.
Kaya kung ma-freak-out man si Willie sa tsikang tumawag siya sa kampo ni Tito para isama sa senatorial line-up, kakainis talaga ‘yun.
And of all people, si Willie pa ba ang tatawag gayung ang daming lumalapit at nag-aalok sa kanya?
'Di ba, Ateng Janiz? (Naman! Alam natin 'yan! — JDN)





Comments