Mas gusto ng mga magulang ang face-to-face class, ayaw na nilang maging tutor!
- BULGAR
- Oct 21, 2020
- 1 min read
ni Ka Ambo - @Bistado | October 21, 2020
Bawal ang Christmas Party.
Nagkatotoo ang abbreviation: “X-mas Party”!
◘◘◘
NAKABALIK ang ABS-CBN sa free TV.
Siyempre!
◘◘◘
TULOY ang people’s initiative para makakuha ng prangkisa ang ABSC-CBN.
Hindi na kailangan pa!
◘◘◘
NASA low-ranking officials daw ang mga korup.
Isang katarantaduhan!
◘◘◘
MAY bago nang minority leader sa Kamara.
Kunwari!
◘◘◘
HANGGANG Disyembre ang GCQ.
Plastik!
◘◘◘
KAPAG inalis ang GCQ at MGCQ, marami ang mawawalan ng trabaho.
Pinakamarami mula sa mga amuyong ni P-Digong!
◘◘◘
HINDI na maibabalik ang sigla ng newspaper industry.
Nasapawan na ito ng “online industry”!
◘◘◘
HINDI na rin uso ang physical cash.
Online na rin ang bayaran at kobransa!
◘◘◘
MAWAWALAN ng trabaho ang mga namemeke ng pera.
Pero, bobongga naman ang “banking scam”!
◘◘◘
SA online, wala nang tips ang mga serbidora.
Wala na kasing “laman ang aktuwal na wallet”.
Balik-kendi na lang ang tips!
◘◘◘
GUSTO na ng mga parents na magbalik ang face-to-face class.
Nadagdagan ang trabaho nilang bilang “tutor”!
◘◘◘
LUGI na rin ang mga gumagawa at nagbebenta ng papel, bolpen, lapis, eraser, enbelop, notebook, krayola, water color at iskulbag.
Wala nang school supplies ngayon, “online supplies” na lang!
◘◘◘
SI Titser, iba na rin ang itsura.
Hindi na sila nalalayo sa porma nina Korina Sanchez, Jessica Soho, Mike Enriquez at Noli de Castro bilang brodkaster!





Comments