Mas bata pa sa anak na si Carla… REY 'PJ', SI CHASE ANG BAGONG BABAE
- BULGAR
- Nov 2, 2022
- 2 min read
ni Janiz Navida @Showbiz Special | November 2, 2022

Masayang-masaya at sobrang thankful si Chase Romero sa founder at CEO ng Kapisanan ng mga Social Media Broadcasters, Inc. (KSMBPI) na si Doc Michael Aragon sa pagpili sa kanya para magbida sa Socmed Ghosts movie na isasali at ipapalabas sa mga filmfests abroad.
Nakita lang daw ni Doc Michael si Chase sa Kumu at nakitaan niya ng potensiyal ang aktres na nagkaroon na rin ng appearance sa Ang Probinsyano serye ni Coco Martin.
At nu'ng nalaman ni Doc Michael ang masakit na pinagdaanan ni Chase na na-brokenhearted sa kanyang boyfriend for 8 yrs. na nakahiwalay din niya, naisip ng CEO-producer na gumawa ng movie na inspired sa pinagdaanan ni Chase sa kanyang love life.
Kaya naman pagkatapos maipalabas ang Socmed Ghosts abroad, uumpisahan na rin agad ang second movie na pagbibidahan uli ni Chase katambal ang veteran actor na si Rey "PJ" Abellana na may title na Thanks for the Broken Heart.
May-December ang kuwento ng movie kung saan gaganap na journalist si Chase at doctor-frontliner naman si Rey PJ.
Thirty-two years old pa lang si Chase in real life samantalang ang anak ni Rey PJ na si Carla Abellana ay 36 na, kaya kung tutuusin, parang anak na lang din ni Rey PJ si Chase.
Pero hindi naman issue ito kay Chase dahil alam niyang advocacy film ang gagawin nila ni Rey PJ at iikot ang kuwento sa buhay ng mga frontliners at hindi naman sa love story lang nilang dalawa.
Maganda ang concept ng Thanks for the Broken Heart na si Doc Michael mismo ang nakaisip, pati ng tatakbuhan ng story, kaya excited na rin silang gawin ito.
But for now, focused muna ang KSMBPI at si Chase sa Socmed Ghosts na tapos na ang shooting.
May isa pang pinaghahandaang free concert ang KSMBPI na magaganap sa Nov. 30 bilang parte ng National Clean Air Month dahil si Doc Aragon din ang head ng Clear Air Act advocacy group.
Abangan ang announcement sa Facebook page ng KSMBPI dahil 15 bands daw ang magpe-perform dito.
Bongga!





Congrats chase...