top of page
WINNER - SEN. ROBIN, IPINAGDIINANG DDS SI JOSHUA-FB Robin Padilla.jpg

MARVIN-JOLINA, BALIK-TAMBALAN SA TV5 SERIES

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 1 day ago
  • 2 min read

ni Rohn Romulo @Run Wild | July 24, 2026



RUN WILD - MARVIN-JOLINA, BALIK-TAMBALAN SA TV5 SERIES-IG _mariajolina_ig

Photo: IG _mariajolina



After na mabalita last month, mukhang tuloy na tuloy na ang balik-tambalan nina Jolina Magdangal at Marvin Agustin sa TV5.


Sa Facebook (FB) page last July 1, nag-post si Direk Roman Perez, Jr. ng tila teaser ng gagawing project. May caption ito na, ‘MOMMY’ (na may guard emoji) at kasama nito ang pagre-repost ng Facebook (FB) post ng ABS-CBN News ng art card na may photo ni Jolina at nakalagay na, “July na!” na may caption na, “July na, mga momshie!”


Kasunod niyang ini-repost ang post ni Marvin na, “JULY NAAAAA!!!!” na kasama ang old photo nila ni Jolina. 


Comment ng direktor, “Ready.”


Nasundan pa ang posting ni Direk Roman at noong July 10, muli itong nag-post. This time, ang caption niya ay “July Na! (heart emoji) August 10,” (na binabasa ring Agustin), kasama ang movie clip ng Labs Kita, Okey Ka Lang? (LKOKL).


Noong July 13, caption naman niya, “Tara Na! July Na! (heart emoji) August 10,” kasama ang kanyang production team. Nagkasunud-sunod pa ang kanyang mga post na may hashtag na #JulyNaAugust10.


At nitong July 22, ipinost na rin ng direktor ang mga photo kasama sina Jolina, Marvin at Dominic Ochoa. Sa August 10 na raw sila magsisimula ng taping at may napansin kami sa isang group photo na may “Guard Ko si Babe”. Mukhang ito ang title ng morning series ng TV5.


For sure, malaking pressure at challenge kina Jolina at Marvin ang pagbabalik-tambalan nila. Ito raw ang magiging pre-programming ng Eat… Bulaga! (EB!) na makakatapat ng TikToClock ng GMA-7, at ang tsikang target date ng airing nito ay September 14.


Kasama sa cast sina Susan Africa, Cedrick Juan, Roxanne Guinoo, Pearl Gonzales at ilang talents ng Star Worx.


Hopefully, maging mainit ang pagtanggap ng netizens sa MarJo tandem.





SA segment ng It’s Showtime (IS) na Laro Laro Pick, natanong ni Vice Ganda ang isang contestant kung sino ang kanyang paboritong broadcaster o journalist.

Agad naman itong sumagot na, “Si Ma’am Jessica Soho po.”

Agad naman itong sinang-ayunan ni Vice at napa- “Yes”.


Dagdag pa ng Unkabogable Star, “We love Jessica Soho. She’s very good. We all watch KMJS (Kapuso Mo, Jessica Soho). Very good.”


Dahil sa tinuran na ito ni Vice, parang nabuhayan ang mga netizens at baka posible raw ang pagkikita at paghaharap nina Jessica at Vice.


Umani ng samu’t saring komento mula sa mga netizens ang lumutang na video clip. May positive at mayroon ding negative.


“I feel like malapit na sila mag-usap in God’s perfect time.”

“Sana mag-heal na ang issue sa pagitan nina Meme @vicegandako and @KM_Jessica_Soho.”


“One of the things na hinihintay ko ay ang magkatagpo sila parehas sa iisang show. It’s Showtime interview man o sa KMJS mismo, o kahit sa vlog ni Vice.”

“People change.”


“Sana magkapatawaran na ang dalawang taga-La Union.”


Matatandaang nag-ugat ang hidwaan ng dalawa matapos ang ginawang biro ni Vice kay Jessica sa kanyang concert noong 2013.


Hindi nga nagustuhan ng award-winning journalist ang binitiwang rape joke ng komedyante dahil hindi talaga magandang gawing katatawanan ang sensitibong paksa. Agad namang nag-sorry si Vice kay Jessica.


At sa paglipas ng 13 taon, makamit na kaya niya ang hinihintay na kapatawaran?

Well, ang Diyos lang ang tanging nakaaalam kung kailan ito magaganap.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page