top of page

MARVIN, INAYAWAN NG PARENTS NI JOLINA NOON DAHIL PURDOY, SUPER RICH NGAYON

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Mar 26, 2023
  • 2 min read

ni Beth Gelena @Bulgary Files | March 26, 2023




Iba na pala ang talent agency na humahawak ngayon kay Marvin Agustin. Nasa ilalim na siya ngayon ng Crown Artist Management na pinamamahalaan ni Maja Salvador at ng fiancé nitong si Rambo Nuñez.


Ang sabi nga ng mga netizens, bakit pa raw nag-aartista ang actor, "He is so rich na."


Ang kontratang pinirmahan daw ni Marvin ay walang kinalaman sa pag-arte, sa halip ay sa pag-awit.


Narito ang ilang sey ng mga netizens sa aktor.


"He signed a contract as a singing talent, not in acting I think. He posted on IG his new song.


True, he's so rich na, siya rin yata ang may-ari ng Wolfgang franchise here sa 'Pinas."


Marami rin ang humanga sa galing ni Marvin na mag-handle ng kanyang finances.


"Sipag at tiyaga. Magaling siyang mag-invest at magpaikot ng perang pinaghirapan niya."


"Yes, ang yaman na niyang restaurateur. May parang show na featured ang life niya, bongga ang mga sasakyan. May driver, may bodyguard, nag-aral pa sa New York. Rags to riches talaga."


"Yes, sobrang suwerte ni Marvin. Sa batch nila, siya ang pinalad nang bongga."


Samantala, hinangaan din ng mga netizens ang pamamalakad ni Maja sa kanyang talent agency.


"Crown is an emerging giant, ha!"


"True. Buti pa sila, walang madaming gimik ang management nila. Tahimik lang na gumagalaw."


"Yes! Ang galing ni Maja. Walang negang issue ang Crown."


Isa naman daw na magandang ehemplo si Marvin para sa mga kabataang artista.


"Dapat tularan si Marvin ng mga batang artista. Nagnegosyo, nagsikap, may project or wala, 'di nangangamba. Talent wise, well, best actor awardee, anytime puwede pa ring mag-artista."


"Bongga ni Marvin, rags to riches, trip-trip niya na lang ang pag-aartista now. Nasaan na pala 'yung movie nila ni Jolina (Magdangal)? Parang ang tagal, years ago na in-announce 'yun, eh."


"Ito ang dapat tularan na artista. Ang sipag at ang yaman na. Madiskarte kasi."


"Naalala ko tuloy 'yung reason bakit ayaw ng tatay ni Jolens sa kanya noon."


"Haha! Accla, ito 'yung hinahanap ko na comment. True that! Marvin proved them

very wrong."


"Poorito kasi beginnings ni Marvin, kargador levels noon, kaya ayaw ng parents ni Jolina.


Sikat si Jolina that time at may mga business na rin s'ya. Ewan ko lang kung buhay pa ba 'yung business niya ngayon."



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page