top of page

Maruming trabaho ng PR, malinis na kamay kuno ng mga makapangyarihan

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 11 minutes ago
  • 2 min read

ni Ka Ambo @Bistado | December 13, 2025



Bistado ni Ka Ambo


May bagong black propaganda kontra kay VP Sara.

Kapag ‘yan ay nasagot nang maayos, magbu-boomerang ‘yan.

 

-----$$$--

DAPAT natin maunawaan na hindi lahat ng propaganda ay nakakabuti sa “principal”.

Okey lang, kapag nagkaroon ng “negative impact” sa inaakusahan.

 

---$$$--

GAYUNMAN, kapag nasosopla o nasusupalpal ang mga alegasyon, ang isyu ay bumabalandra at nagbu-boomerang.

Ang negatibong epekto ay naibabalik o naisusupalpal sa principal o author ng black propaganda.

 

----$$$--

UMAANI ng iskor o positibong impact ang isang biktima ng black propaganda, kapag “nasagot” nang maayos ang akusasyon.

Lalo namang nababaon at napapahamak ang mga utak ng black propaganda.

 

----$$$--

Lingid sa kaalaman ng marami, ang mga black propaganda ay karaniwang ipino-propose ng mga “PR group” na hindi iniintindi ang negatibong impact sa principal o resbak ng katunggali.

Walang nawawala o hindi natatalo ang mga “PR group” sapagkat “kumita” na sila.

Pero, paano ‘yung principal na naipahamak nila?

----$$$--

SA tarot card, may baraha dito na nakatuwad na baliktad na Kristong nakapako sa krus—siya si Odin.

Kapag lumitaw ang “barahang” ito habang nagpapahula ang “subject”, ipinapayo dito na “manahimik” lang o kalmante lang—at hayaan lang gumalaw ang mga kaaway.

 

-----$$$--

IBIG sabihin, hindi lahat ng atake ay  kailangan tapatan ng “kontra-atake”.

Minsan, mas nakakabuti na idedma lang o huwag pansinin ang mga “kalaban.”

Napakahalaga niyan!

 

----$$$--

ANG inyong abang-lingkod ay isang chess champion sa panahon ng high school days—walang tumatalo sinuman sa chessboard sa school campus!.

Marami tayong sinalihang torneo at nabasang “chess book.”

Isa sa natutuhan natin ay ang tinatawag na “drawest move.”

 

----$$$--

ANG “drawest moves” ay ang pag-iwas umatake, at mag-antay na lamang ng “blunder” ng kalaban.

Kumbaga, kapag nag-draw o tabla, o stalemate, sapat nang ikasaya o itinuturing  nang “iskor.”

 

-----$$$--

GINAGAMIT ang “drawest moves” kapag mahaba ang torneo o nakakapagod.

Ang pagrereserba ng enerhiya o pag-iwas na maubos ang enerhiya at resources ay isang epektibong taktika sa alinmang laban.

 

----$$$--

MALAYO pa ang 2028, pero maaga nang binibira si VP Sara.

Hindi sinasadya, nagbu-boomerang ang mga atake.

 

----$$$--

UMIISKOR si VP Sara at naipe-preserba ang enerhiya. Sa dis-oras o bisperas ng 2028, puwede niyang ibuhos ang lahat ng enerhiya at resources para sa isang  “pawn-storming attack”.

Mame-MATE niya ang kalaban nang “magaan na magaan”




Kung may reaksyon, sumbong o katanungan, sumulat sa ASINTADO ni Judith Sto. Domingo sa BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa asintado.bulgar@gmail.com.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page