top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Martin at Suarez, handa na; Kambosos, dinale si Lopez

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 2, 2021
2 min read

Updated: Dec 3, 2021

ni Gerard Arce - @Sports | December 02, 2021




Kumpiyansa at handang-handa na ang kapwa undefeated boxers na sina Philippine super-bantamweight contender Carl James “Wonderboy” Martin at boxing Olympian Charly “King’s Warrior” Suarez sa kanilang magkahiwalay na laban sa Sabado sa “Ultimate Knockout Challenge” sa Flash Grand Ballroom ng Elorde Sports Complex sa Paranaque City.


Sasabak na sa unang title fight ang 22-anyos na si Martin na may kartadang 17 panalo at 15 rito ay galing sa knockout victories na susubukang agawin ang korona laban sa nagtatanggol na kampeong si Mark Anthony “El Heneral” Geraldo (38-9-3, 19KOs) sa main event ng iba pang nakasalang na 12-fight bouts. “Confident naman ako dahil matagal ko pinaghandaan ang laban na ito. Ready na po ako. Actually, cut weight na lang po ang paglalaanan ko. Laban na lang ang hinihintay,” wika ni Martin sa weekly PSA Forum nitong Martes, na mayroon na lamang sobrang timbang bago makuha ang 122-pounds weight limit.


Sumabak sa matinding paghahanda ang Lagawe, Ifugao native at nagawa pang makipag-sparring kina IBF super-flyweight champion Jerwin “Pretty Boy” Ancajas, newly-crowned WBO Intercontinental bantamweight champion Jonas “Zorro” Sultan at maging kay Suarez.


Samantala, ang dating sparring partner lamang ng nag-iisang 8th-division World champion na si Manny “Pacman” Pacquiao ay isa ng undisputed lightweight titlist at nanatiling undefeated – matapos higitan ni Australian George “Ferocious” Kambosos ang dating hari ng 135-pound na si American Teofimo “The Takeover” Lopez noong Linggo ng umaga sa main event championship match sa Hulu Theater ng Madison Square Garden sa U.S.


Nakamit ng 24-anyos na tumulong kay Pacman sa pagsasanay kontra kina Jeff Horn, Lucas Matthysse at Adrien Broner, ang 12-round split decision na makokonsiderang ‘biggest upset’ ng 2021 para makuha ang mga titulong WBA, WBO, IBF, WBC franchise at The Ring belts kasunod ng 115-111, 115-112, 113-114 na pagpabor.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page