top of page

Marquez, malakas pa, Pacman part 5, posible?

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 8, 2022
  • 2 min read

ni MC - @Sports | September 8, 2022


ree

Kung totoo ngang nakapagpapalakas ng katawan ang pag-inom ng sariling ihi, naispatan ang tigasing mamang Mexican na si Juan Manuel Marquez na patuloy ang isinasagawang workouts.


Sa edad na 46, ganadong-ganado pa ito sa kanyang body fitness at tila pinaghahandaan ang 5th fight kay Pambansang Kamao Manny Pacquiao.


Naaalerto kasi siya na kahit nitong pandemya ay nakita niya ang 8th weight world division champ na si Pacman na tuloy ang training maliban na lamang noong bago maghalalan sa pagka-Pangulo ay tumaba ng kaunti ang Gensan native.


Nang si Marquez naman ang nagpapalakas sa gym, naroon ang espekulasyon na magkaroon muli ng bakbakan ang dalawa habang si Floyd Mayweather naman ay tuloy sa kanyang mga exhibition fights.


Nagpaskel pa si Marquez sa kanyang Instagram account ng kanyang larawan na astigin pa rin at nagbibigay payo pa si "Dinamita" sa isang video sa ibang fighters.


Tila nagpaparamdam ang mamang Mexican kay Pacman at dahil alam naman ng Pinoy ang kanyang phone number ay tawagan siya nito at alukin ng isang exhibition fight at mukhang handa muli itong harapin ang dating Senador.


Nakatatak na kasi sa fans ang makasaysayan na pagpapatulog niya kay Pacman noong 2012 na kilala pa naman ang PHL hero na kung makagaganti ng power punch knockout ay gagawin niya ito. Matatandaang nanggigil si Marquez sa makailang ulit na pagpapabagsak sa kanya ni Pacman at noong ikatlong beses pa ay halos matulig siya.


Sa gigil niyang makabawi, pagdating ng 4th bout ay nabigyan na niya ng KO si Pacman.


Kaya ngayon, kung nais daw ng Pinoy hero na magharap silang muli ay handa ang astiging Mehikano sa 5th fight. “Insist, persist, resist, and never give up,” ani Marquez. “Without challenge, there is no victory. “Never let your guard down.


The moment will come when you will know when to do the counter-attack!”


Hintayin muna natin anuman ang kahihinatnan ng exhibition fight ni Pacman sa isang YouTuber sa Disyembre bago magkaalaman vs. Marquez.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page