MARKUS, OKS PA RIN SA MADIR NI JANELLA NA SI JENINE
ni Nitz Miralles - @Bida | October 24, 2022

Magkasama sina Janella Salvador at Markus Paterson sa binyag ng anak nilang si Jude at kasabay daw ito ng birthday celebration ng bata who turned two years old.
At least, kapag malaki na si Jude at nakita ang mga larawan ng binyag niya, present pareho ang kanyang parents.
May photo pa ngang magkasama ang mag-anak after ng binyag at si Janella ang may karga kay Jude.
Present din ang mom ni Janella na si Jenine Desiderio kaya for sure, okay sila ni Markus.
May mga larawan din sa birthday party ni Jude at kitang nag-enjoy ang bata dahil may playground setup sa venue.
Hindi pa ipino-post nina Janella at Markus ang photos sa binyag at birthday party ni Jude sa kani-kanyang Instagram nila, si Jenine lang ang nag-post ng photos sa IG.





Comments