top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

MARKUS, NAGSALITA NA SA PANANAKIT DAW KAY JANELLA

Writer: BULGAR
BULGAR
Sep 7, 2022
2 min read

ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters! | September 7, 2022



Nag-tweet si Markus Paterson kahapon, Martes nang tanghali, para linawin ang tsikang isa sa mga dahilan kaya hindi siya tumatagal sa mga nagiging karelasyon niya ay dahil nananakit siya ng babae.


Kaagad itong kinlaro ng aktor, “Saw some tweets circulating. FACT: I have NEVER, and WILL never lay my hands on a woman. My parents raised me right. I’ll address the rest on the podcast.”


Hayan, nabanggit na rin ng binatang-ama na sa podcast niya sasagutin ang lahat ng issues niya lalo na ngayon na kaliwa’t kanan ang pamba-bash sa kanya dahil sa sinabing, “Never to fu*king date someone in the industry!”


Ito raw kasi ang natutunan ni Markus sa pakikipagrelasyon niya sa taga-showbiz industry, kung saan alam naman ng lahat na ang huling karelasyon niya ay si Janella Salvador.


Samantala, pati ang pagdalaw ni Markus sa puntod ng namayapang si Cherie Gil sa Bukidnon ay binigyan din ng kulay ng mga netizens nang i-post niya ito sa kanyang Instagram account nitong Lunes nang hapon.


Ito kasi ang bilin ng aktres noong nabubuhay pa siya na sa nabiling farm siya ilalagak, sa Tuminugan Farm, at ito nga rin ang nakalagay sa post ni Markus.


Ang mga nabasa naming komento mula sa isang online website


“Feeling close.”


“Are they related? Sinabi ni Cherie dati, kung 'di raw niya relative or ka-close, hindi siya nagpapatawag ng tita.”


Ipinagtanggol naman si Markus ng iba, “'Yung nephew ni Cherie Gil na non-showbiz ay best friend ni Markus since elementary days. 'Yung son ni Cherie Gil ay kaibigan din ni Markus.


Kapag may family gatherings ang Eigenmann, 'andu'n minsan si Markus. Close si Markus sa mga Eigenmann.”


Umayon din ang isa pang netizen, “Napa-search tuloy ako. Nabasa ko, friend siya ni Raphael, ‘yung anak ni Cherie Gil.”


Sabi pa,“Kung kamag-anak ni Cherie 'yan, magaling na siguro 'yang umarte. Baka feeling close lang."


Mukhang naapektuhan si Markus dahil tinanggal na niya ang post niyang dumalaw siya sa puntod ni Cherie.


Ito rin ang napansin ng isa pang netizen, “Na-take down na ‘yung post. Siguro nag-feeling close lang.”


Payo naman ng iba pang netizen sa aktor, “Haist, Markus, sana respect din the mother of your son at sa ex mo before na taga-industry na ginagalawan mo.”


Anyway, bukas ang BULGAR sa panig ni Markus tungkol dito.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page