Maritime Men's at Women's bumida sa NCRAA Tourney
- BULGAR
- Apr 30, 2023
- 2 min read
ni Anthony E. Servinio @Sports | April 30, 2023

Nagising ang Asian Institute of Maritime Studies sa 4th quarter upang mabigo ang Bestlink College of the Philippines, 94-87 sa pagpapatuloy ng 29th National Capital Region Athletic Association (NCRAA) Basketball Tournaments Miyerkules sa Polytechnic University of the Philppines Gym sa Santa Mesa, Maynila. Sa Women’s Division, nasungkit ang Philippine Merchant Marine School ang huling upuan sa semifinals at tinalo ang Emilio Aguinaldo College-Cavite, 73-49.
Ibinalik ng three-points ni Danny Datwin ang lamang sa AIMS na may 2:18 nalalabi, 86-84. Mula doon ay lalong ginalingan ni Datwin at nagpasok ng anim na puntos upang pigilan ang mga banta ng Kalasag na bumalik.
Nagtapos si Datwin na may 31 puntos bilang reserba. Umakyat ang Blue Sharks sa 5-5 at kumakatok sa quarterfinals ang mga bata ni Coach Kiko Flores, ibang-iba sa paaralan na walang naipakitang tagumpay sa liga mula 2017 hanggang ang huling torneo noong 2019.
Pinagpag ng PMMS Lady Mariners ang mabagal na simula at humataw sa second quarter para sa 43-22 halftime. Namayani sa atake sina Bea Pesito na may 21 at Lea Supan na may 19 puntos at sigurado na magtatapos sila na pang-apat na may kartadang 2-3 habang tinapos ng Lady Vanguard ang kampanya na walang panalo sa limang laro.
Sa ibang mga laro ng kalalakihan, pinabuti ng Immaculada Concepcion College ang maaari nila maging puwesto sa quarterfinals at linampaso ang Saint Dominic College of Asia, 91-74. Bumida si Alfred Flores na 26 puntos at tumibay sa ika-apat na puwesto at kasamang twice-to-beat ang Blue Hawks.
Patuloy din ang selebrasyon ng host PUP at dinurog ang wala pa ring panalo na Lyceum of the Philippines University-Laguna, 70-49.





Comments