Maris, umaming younger version ni Rico Blanco ang hiniling kay Lord

ni Angela Fernando - Trainee @News | February 21, 2024

Maugong ngayon ang pangalang "Maris Racal" dahil sa galing nito pagdating sa romance at comedy ngunit kinaaliwan pa siya lalo dahil sa kanyang guesting sa Youtube channel ni Dra. Vicki Belo.
Pagbabahagi ni Maris kay Dra. Belo, naitanong daw sa kanya dati kung ano ang type niya sa lalaki.
Sey niya, "Parang gusto ko 'yung Rico Blanco na look, tapos gusto ko ng music, na mahilig siya sa music."
Pagpapatuloy pa ng aktres, gusto niya ang mas batang version ni Rico.
"I kept posting on my private Facebook, na 'Lord, bigyan n'yo naman ako ng younger version ni Rico,'" dagdag ni Maris.
'Di naman itinanggi ng aktres na super crush niya talaga ang kanyang boyfriend.
Hindi pa raw nag-expect si Maris na si Rico na pala ang ibibigay sa kanya ni Lord at hindi ang younger version nito.





Comments