top of page
WINNER - BEAUTY QUEEN GF NI SANTINO, NAPAGKAMALANG TRANSGENDER-IG _ashleysubijano.jpg

After ng cheating scandal nila ni Anthony… MARIS, SHOCKED NA TANGGAP PA RIN NG TAO, 2 MOVIES NAG-HIT

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Mar 17, 2025
  • 3 min read

ni Beth Gelena @Bulgary | Mar. 17, 2025



  • Maris Racal  - IG

Photo: Maris Racal - IG


Masaya ang dalawang aktres na sina Janella Salvador at Maris Racal sa mga panalong proyekto nila.


Hindi pa rin makapaniwala ang kapamilya actress na si Maris sa patuloy na pagbuhos ng biyaya at pagkilala sa kanyang mga nagawang proyekto. Masaya rin si Janella dahil napansin ang kanyang galing matapos ang Best Actress nomination sa indie film na Fleeting


Hindi naman inakala ni Maris na muli siyang tatanggapin ng mga netizens at mababalik niya ang init ng kanyang career matapos ang cheating scandal sa kanila ni Anthony Jennings.  


Nanalo ang Sunshine movie ni Maris sa Canada at umalagwa rin ang movie nila ni Anthony na Sosyal Climbers (SC) sa Netflix.  


So far, ang daming bumilib sa kanya sa role niya sa Incognito bilang isang spy.  



MEMORABLE kay Judy Ann Santos ang trip niya sa Porto, Portugal kung saan um-attend siya ng Fantasporto Film Festival (FFF) at siya ang itinanghal na Best Actress. 


Sa Instagram (IG) ng actress ay ipinost niya ang mga kuhang larawan ng kanilang adventure sa picturesque city kasama ang husband na si Ryan Agoncillo at ilang mga kaibigan.  


Ani Juday, “PORTO... you were such a revelation. Napaka-charming mo. Sa kabila ng lamig at ulan, ang ganda mo pa ring libutin.”

Dagdag pa niya, “It made this trip even more special with the closest and dearest people to me.” 


Ayon sa aktres, wala siyang expectations kundi ang i-represent ang kanilang pelikula sa international stage.  


Aniya, “Pumunta kami ng Porto nang walang inaasahan kundi mairepresenta lang namin ang pelikula at bansa natin. Umuwi akong bitbit ang pinakamabigat na [tropeyong] natanggap ko buong buhay ko.”  


Pinasalamatan ni Juday ang FFF.


“Maraming salamat FANTASPORTO! Hinigitan mo ang lahat sa puso ko,” wika niya.  

Maging ang mister na si Ryan ay buong-puso rin niyang pinasalamatan, “And my love @ryan_agoncillo thank you, for making this journey more memorable. I love you forever.”  


Ang kanyang acceptance speech: “I would like to thank the jury, Fantasporto for the recognition. It is with great pride and honor that I am here to represent my country which is the Philippines.


“To my husband and to my three children, they've always been my inspiration in every project I make. I'm just so happy I am bringing home the best souvenir,” dagdag pa niya.  


Napahiya sa IS…. KARYLLE, TODO-SIGAW NA DDS SI NONOY ZUNIGA, NA-WOW MALI


IBINUKING ni Karylle si Nonoy Zuñiga. Sey niya, “Isa siyang DDS, isa siyang dentista.” 

Sa TNT Grand Resbak 2025 ng It’s Showtime (IS), nilinaw ni Nonoy na hindi siya DDS kundi isang MD o Doctor of Medicine. 


Agad na nag-sorry si Karylle at sinabing maling impormasyon ang naibigay sa kanya ng ama.  


Hindi naman na-offend ang singer at nagpatuloy sa pagbibigay ng komento sa resbaker.  


Nilinaw naman ni Karylle sa kanyang Instagram (IG) account na ang tinutukoy niyang DDS ay “dentista” at hindi “Diehard Duterte Supporters.” 


Aniya, “Ang maghuhurado sa ‘yo, isa s’yang DDS, isa siyang dentista, Dr. Nonoy Zuñiga!” ani Karylle.  


Agad namang natawa sina Jhong Hilario at iba pang hosts na kasalukuyang nag-i-interview sa Grand Resbaker.  


“‘Di ba, Tito? Baka ‘di nila alam, Tito Nonoy, ‘di ba you're a dentist?” dagdag pa ni Karylle. 

Mariin naman itong itinanggi ni Nonoy at sinabing, “No, I’m not. I’ve finished Medicine.” 


Dahil dito, nagtanong si Vice Ganda, “Ano ba ‘yung DDS?” 

Sagot ni Karylle, “Ano kasi ‘yun, Doctor of Dental Science.”


Sa puntong iyon, natatawang sumingit si Vice, “Iklaro kasi natin.”


Dahil dito, agad namang nag-sorry si Karylle at sinabing mali raw ang nasabi sa kanya ng ama. 


Sa kabila ng insidente, hindi naman na-offend si Nonoy at nagpatuloy na lamang sa pagbibigay ng komento sa mga kalahok ng Grand Resbak. 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page