top of page

Maris at Anthony, aminadong kinikilig sa isa't isa

  • BULGAR
  • Mar 20, 2024
  • 1 min read

ni Angela Fernando - Trainee @News | March 20, 2024




Nagkaroon ng pagkakataon ang TV host na si Luis Manzano na makapanayam sina Maris Racal at Anthony Jennings o mas kilala sa tambalang SnoRene sa kanyang vlog na 'Luis Listens.'


Inusisa rito ng host kung may pagkakataon daw bang kinikilig talaga ang dalawa sa kanilang pagganap, lalo na sa mga scenes nila na sobrang genuine ng kulitan at harutan.


Hindi naman itinanggi ng dalawa na todo ang nararamdaman nilang kilig sa mga eksena kung saan sinusubukang itago ng kanilang mga karakter ang nararamdaman para sa isa't isa.


Very sincere and out of character din naman kasi ang mga ngitian ni Irene Tiu na ginagampanan ni Maris sa t’wing kasama niya ang karakter played by Anthony o mas kilala bilang Snoop.


Sobrang kinilig nga ang madlang pipol at nagpakita ang mga ito ng suporta sa recognition na nakukuha ng dalawa dahil sa kanilang very natural na pag-arte.

Sey nga ng netizens sa success ng ‘SnoRene’, “Amen to their very much deserved success!”

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page