Mariel, nagsalita na sa blind item… MOCHA, BUNTIS KAY ROBIN

ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters | January 23, 2021

Wala sa timing ang kumalat na blind item kahapon tungkol sa kontrobersiyal na babaeng personalidad na nasa interesting stage ngayon at ang itinuturo umanong ama ay kilalang aktor na happily married at nagluluksa pa sa pagkamatay ng nakatatandang kapatid.
Nabanggit ang mga pangalang Mocha Uson at Robin Padilla na parehong tagasuporta ni Presidente Rodrigo Duterte sa ginanap na physical presscon para sa pelikulang Anak ng Macho Dancer na pinagbibidahan ni Sean de Guzman na produced ng The Godfather Productions na pag-aari ni Joed Serrano dahil ang dalawa pala ang mainit na pinag-uusapan.
Anyway, bago pa pala ang presscon ng Anak ng Macho Dancer ay marami na ang nagtatanong kay Mariel tungkol sa isyung nabuntis ni Robin si Mocha.
Kilala namin si Mariel, hindi siya naniniwala hangga’t walang pruweba bukod pa sa tatanungin niya mismo ang asawa, bukod pa sa may gagawin siyang sariling imbestigasyon para malaman ang totoo.
Sa kasalukuyan ay nakiusap si Mariel sa mga netizens na nagtatanong na tigilan na ang isyung ito na para sa kanya ay baseless gossip lalo’t nagluluksa sila sa pagkamatay ng Kuya Royette Padilla ni Robin.
Nag-post si Mariel sa kanyang Instagram account nitong Huwebes ng gabi ng larawan ni Robin na naka-suit ng itim at nakayuko.
Ang caption ni Mariel, “So many people are sending me messages “checking” on me. People are tagging me bla bla bla, let me tell you this.
“ROBIN’S BROTHER PASSED AWAY. He is grieving. He has never been in so much pain all his life. He doesn’t need your baseless gossip.
"Namatayan ng kapatid ‘yung asawa ko. Please lang po. He doesn’t even know anything about all this rumor but I am putting a stop to this NOW.
“May oras para maging assholes now is not that time. Please.”





Comments