MARIEL, NAG-CONGRATS KAY ANGELICA SA IG, BINAWAL ANG MAG-COMMENT
Updated: Sep 26, 2022
ni Julie Bonifacio - @Winner | September 25, 2022

Dagsa ang mga celebrity friends na bumati kay Angelica Panganiban sa kanyang Instagram post tungkol sa pagsilang niya sa kanyang first-born na si Amila Sabine.
Nangunguna na d’yan ang mga kapwa niya Kapamilya stars gaya nina Jodi Santamaria, Kim Chiu, Anne Curtis, Dimples Romana, Cherry Pie Picache, Janine Gutierrez, Charlie Dizon, Ryan Bang at ang Magandang Buhay hosts na sina Jolina Magdangal at Melai Cantiveros.
Bumati rin ang iba pang stars gaya nina KC Concepcion, Pokwang, Camille Prats, Ryan Agoncillo, Alessandra de Rossi at Piolo Pascual.
Nag-post din ng pagbati ang misis ni Sen. Robin Padilla na si Mariel Rodriguez. But sad to say, may netizen ang nagbawal kay Mariel na mag-post ng comment sa IG post ni Angelica.
“@marieltpadilla bawal ka dito please lang,” sey ng netizen na iniisip naming Pinklawan siguro kaya galit kay Mariel na lantaran ang pagiging BBM supporter.
'Di naman pinalampas ng ibang IG followers ni Angelica ang comment ng basher ni Mariel.
“At bakit negative vibes, 'di maganda 'yan sa bata. 'Kaloka!”
“Kung makapagbawal, wagas.”
“Ikaw ang bawal dito… kulang turnilyo sa utak!”
Bukod kay Mariel, nagkaroon din ng thread sa reply section ang simpleng comment-post na "Yahoooo!" ng mister ni Angel Locsin na si Neil Arce.
Wish ng mga netizens na sila naman ni Angel ang susunod na biyayaan ng baby. At the same time, hinahanap na rin ng mga netizens si Angel sa socmed.
More than a month na kasi since Angel made her last post sa kanyang Instagram na may kaugnayan sa last trip nila ni Neil sa Spain.
“Sana po, kayo din ni Miss Angel soon po, nami-miss na po namin siya…”
“Wanna see a little Angel too."
“Kayo na ang sunod ni Angel, I pray na sana, makabuo na.”
“'Asan po si Ate Angel? Tagal na rin siyang hindi active sa social media.”
Hmmm… ano nga kaya ang dahilan at biglang “nanahimik” sa socmed si Angel?
Well, baka buntis na rin si Angel, ha?
GLADYS, GUSTONG TANUNGIN SI HEART SA HIWALAYAN NILA NI SEN. CHIZ

Haligi nang maituturing si Gladys Reyes sa umaalagwang NET25 dahil sa kanyang programa titled Moments. Nasa ika-16 taon na ang celebrity talk show ni Gladys sa istasyon ng Eagle Broadcasting Corporation (EBC).
Sa ginanap na grand media launch ng mga shows sa NET25, kabilang ang Moments ni Gladys sa flag-carriers ng istasyon.
Pero sa tagal na pag-ere ng Moments sa NET25, we were informed na until now ay 'di pa naging guest sa show ang mag-asawang Manny and Jinkee Pacquiao.
Wish nga raw ni Gladys na maimbita at paunlakan siya ni Jinkee na mag-guest sa Moments. At hindi pa man, ready na si Gladys sa magiging concept ng episode kapag pumayag mag-guest si Jinkee sa show niya.
Kahit celebrity talk show ang peg ng program ni Gladys, type rin niya na maging guest ang controversial star na si Heart Evangelista.
At alam na ninyo kung ano ang itatanong niya kay Heart, ‘di ba?
Say ni Gladys, “Eh, di 'yung gusto ninyo ring malaman! Sila pa ba?" sabay tawa.
Bawi nito, "Hindi naman, 'di ba, gusto ko lang magpakatotoo! Siyempre, pati ako, curious, 'di ba?"
Hindi naman dahil sa pagiging Marites kaya ‘yun ang gustong itanong ni Gladys kay Heart if ever mag-guest ang Kapuso star sa programa niya.
Depensa niya, “Share ko lang, most of my interviews sa Moments, lalo na noong kino-co-prod ko, wala akong script diyan. ‘Pag may iniinterbyu ako na mga personalidad, ganyan… ako po kasi, 'andu'n ako sa, ‘Ano ba ang gustong malaman ng tao?'” which is may punto naman.
Anyway, napapanood ang Moments every Sunday afternoon sa NET25.





Comments