MARIEL, MAS PINILING MAG-ONLINE SELLING KESA RUMAMPA KASAMA NI ROBIN SA SONA
ni Julie Bonifacio @Winner | July 26, 2023

Pinuna ng mga netizens ang hand gesture ni Senator Robin Padilla habang inaawit ang Pambansang Awit na Lupang Hinirang sa pagsisimula ng State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Bongbong Marcos sa House of Representatives noong Lunes.
Na-capture ang hand gesture ni Sen. Robin sa mga larawan at videos na kumalat sa social media at sa mga news & current affairs shows sa telebisyon.
Kung ang mga katabing senador ni Robin ay nakalapat sa kanilang dibdib ang mga daliri ng kamay nila, nakatikom naman ang apat na daliri ni Sen. Padilla at ang hintuturo nito ay nakaturo sa kanyang kaliwa.
Tanong ng mga netizens, “Hmmmm, honest question: May injury ba si Robin Padilla for him not to place his hand properly on his chest for the National Anthem?”
“Ano ‘yung hand gesture ni Robin?”
“Ano kaya ang nangyari sa kamay ni Senator Robin Padilla?”
“Nagpapapansin!”
Paglilinaw naman ng ilang nakakaalam sa hand gesture ni Sen. Robin, “Robin Padilla is a Muslim, it is common for Muslims to raise their index finger to praise their God, perhaps that is why he is doing that.”
Bahagi raw ng Islamic prayer ang hand gesture ni Sen. Robin.
Ang pag-angat naman daw ng index finger ng isang Muslim ay nangangahulugan ng “unity and uniqueness of God as creator and sustainer of the universe,” ayon sa Oxford Dictionary of Islam.
Anyway, kung ang mga senador at congressmen ay bitbit ang kani-kanilang mga misis sa SONA, ang kasama naman ni Sen. Robin ay walang iba kundi ang kapatid niyang si Rommel Padilla at hindi ang asawang si Mariel Rodriguez.
Baka wit type ni Mariel ang rampahan ng mga pulitiko at mas type na lang nito na magluto at mag-live selling ng mga expensive bags.





Comments