top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

MARIEL, IMBIYERNA SA MGA GUSTONG MAGHIWALAY SILA NI ROBIN

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Oct 23, 2022
  • 1 min read

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | October 23, 2022



Imbiyerna si Mariel Rodriguez-Padilla sa mga nagsabing iiwan din siya agad ng mister na si Robin Padilla.


Sa vlog ni Mariel ay naibahagi niya ang tungkol sa love story nila ng mister na senador.


Isa-isang sinagot ni Mariel ang mga Google search questions tungkol sa kanya.


Ani Mariel, may mga taong nagsabing dalawang taon lang ay iiwan din siya kaagad ni Robin.


Sey ni Mariel sa mga negang tao na nagsabi nito sa kanya, "Happy ba kayo?"


Kuwento ng TV host, nagsimula lang sa asaran ang love story nila ni Robin. Marami nga raw ang nagsabing whirlwind romance ang kuwento nila ng mister.


Pero sa ngayon ay mahigit 12 taon na ang pagsasama nila at nananatili silang matatag.


Ikinasal sina Mariel at Robin noong Agosto 19, 2010 sa Taj Mahal sa India.


Nagkakilala sila nang minsang naging guest host si Robin sa Wowowee kung saan regular co-host naman si Mariel ni Willie Revillame.


Biniyayaan ng dalawang anak na babae ang celebrity couple — sina Isabella at Gabriela.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page