MARICEL, DAWIT SA PASABOG NI MAHARLIKA TUNGKOL SA DROGA
- BULGAR
- Apr 12, 2024
- 1 min read
ni Ambet Nabus @Let's See | Abril 12, 2024

May mga mensahe kaming natatanggap mula sa mga netizens at mga Ka-BULGAR hinggil sa pagdawit sa name ni Diamond Star Maricel Soriano sa umano'y rebelasyon ng kilalang political vlogger na si Maharlika sa isyu ng "droga."
Matindi ang naturang akusasyon. May mga links pa silang ibinibigay tungkol sa naturang rebelasyon na pati ang dating Press Secretary na si Harry Roque ay nagbibigay na rin ng opinyon niya sa umano'y 'posibleng order' na galing sa PDEA (Philippine Drug Enforcement Agency).
Well, meron kaming mga pinagtanungang political beat reporters at gaya nila, ang source lang nila ay ang sinasabing scandalous and controversial vlogs ni Maharlika.
Saan kaya hahantong ang ganitong news?





Comments