MARIAN, TIKOM ANG BIBIG SA IPINAGAGAWANG DREAM HOUSE NILA NI DINGDONG
ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | May 26, 2022

Ayaw ipag-ingay ni Marian Rivera ang pagpapagawa nila ni Dingdong Dantes ng kanilang dream house.
Naurirat ito sa Kapuso Primetime Queen nang mag-renew siya ng kontrata bilang ambassadress ng Beautederm Home last Wednesday.
“Ssshh, ‘wag mo reveal, ire-reveal ko pa lang,” ani Marian.
“Saka na ‘yun,” dagdag niya.
Nahilingan ulit si Marian na kung ano lang ang puwede niyang i-share tungkol dito at sey ng aktres, “'Pag talagang buong-buo na, eh, hindi naman kami magmamadamot na i-share ‘yan sa mga tao.”
Pero aniya, puro Beautederm Home products ang makikita sa bagong bahay.
“Pagpasok pa lang, puro Beautederm Home ang makikita nila,” nakangiti niyang wika.
When asked kung malapit na bang matapos ang bahay, sambit niya, “Next question, please? ‘Wag na, saka na ‘yan.”
Anyway, nakakatuwang tingnan ang friendship ni Marian at ng president and CEO ng Beautederm na si Rhea Anicoche-Tan. Sa panahon ng 4 na taon na pagiging endorser ng aktres sa nasabing kumpanya ay lumalim nang husto ang kanilang pagkakaibigan at gustung-gusto nila ang ugali ng isa’t isa.
“Maligaya po ako sapagkat tumagal ang relationship ko sa Beautéderm Home at excited po ako as I look forward to many more years with this brand na talaga namang malapit sa puso ko,” sabi ni Marian. “We have worked so hard in developing these new products at very proud ako na ipakilala ang mga ito sa lahat.”
Ayon naman kay Miss Rhea, malalim na ang samahan nila ni Marian at talagang pinapahalagahan niya ito.
“Marian is an extremely valued member of the Beautéderm family and I am so happy to have her onboard as the brand ambassador of Beautéderm Home for another 30 months and hopefully more years in the future,” sabi ni Rhea.
“Para na kaming magkapatid ni Marian. Baby sister ko siya as she is the sweetest and the kindest, at isa siya sa pinakapropesyonal na ambassadors namin. What I love about her is that her love for me is wholeheartedly extended to my staff and to all of our resellers and distributors. I truly celebrate Marian and her solid partnership with Beautéderm Home. But more than that, grateful po ako sa sincere and loyal friendship niya.”





Comments