MARIAN, PROUD NA SIYA ANG NAGPAPALIGO AT NAGHAHANDA NG BAON NG MGA ANAK
ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | September 7, 2022

Isa si Marian Rivera sa mga talaga namang hahangaan mo dahil napagsasabay niya ang kanyang bonggang career at ang pagiging hands-on nanay.
Kahit abala sa kanyang showbiz career, she makes it a point na nagagampanan pa rin niya ang pagiging wifey at mommy. Bukod pa nga rito ang pagiging hands-on niya rin sa kanyang mga negosyo.
Bilang nanay ng dalawa nilang anak ni Dingdong Dantes na sina Zia at Sixto, talagang sinisiguro ni Marian na naaasikaso niya personally ang mga bata lalo na ngayong balik na sa face-to-face ang mga klase sa halos lahat ng schools sa bansa.
Kuwento nga ni Marian nang makatsikahan ng ilang members of the entertainment press sa naganap na "9.9 Super Shopping Day" grand launch ng Shopee, siya raw talaga ang naghahatid at sumusundo sa mga anak.
“Gusto kong maging aligagang nanay, so ine-enjoy ko na inihahatid ko 'yung mga anak ko sa school.
“Kasi si Sixto, nagpe-face-to-face classes na rin siya. Ako 'yung gigising, ako ang nagpapaligo, nagpe-prepare ng baon and then inihahatid sa school.
"And then si Dong, kapag wala siyang work, kaming dalawa 'yung naghahatid sa school. Ang sarap sa feeling na ako mismo 'yung nag-aasikaso sa mga kailangan nila,” pahayag ni Marian.
Ngayong unti-unti nang bumabalik sa normal ang lahat makalipas ang halos tatlong taong paglaban ng mga Filipino sa pandemya, natutuwa si Marian na makita sina Zia at Sixto na nag-e-enjoy na sa face-to-face classes.
“Unexpected kasi si Sixto, first-time niya at na-enjoy niya. Tapos, ikinukuwento niya kung ano ang nangyayari sa school.
"Well, si Zia naman, nakapasok na rin siya before. Super excited, sabi niya, 'Mama, iba talaga when you go to school and then face-to-face with your classmates and teachers,'” kuwento pa ng Kapuso Primetime Queen.
Samantala, nagkuwento rin si Marian sa magaganap na non-stop fun and entertainment sa "9.9 Super Shopping Day TV Special" sa September 9, 9:35 PM on Shopee Live at GMA 7.
Exciting performances are lined up for the event with Marian and Dingdong, kasama pa sina Michael V., Carla Abellana at iba pang Kapuso stars.
Mensahe ni Martin Yu, director ng Shopee Philippines, “We are thrilled to be welcoming the busiest sale season of the year with our users, sellers, and communities from all over the Philippines.”
He added, “We aim to be a platform that harnesses the power of technology to help all of our stakeholders and the community — whether it’s through our impactful CSR initiatives or exciting double day sales. We invite everyone to join us in making this our most meaningful celebration yet.”





Comments