MARIAN, HINDING-HINDI PAPAYAG NA AGAWIN SA KANYA SI DINGDONG
ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | Febuary 12, 2023

Gigil na gigil at gustong sabunutan ng mga fans nina Marian Rivera at Dingdong Dantes ang KSP at starlet na sexy influencer na si Lai Austria na pinagtripan ang Kapuso actor-TV host.
Napakailusyunado raw nito at nagpapapansin. Gustong umeksena upang maging sentro ng tsismis ng mga Marites.
Ginamit pa ang Kapuso actor na si Dingdong na alam naman niyang very much married at may dalawa nang anak.
Kung anu-ano ang ginagawa nitong si Lai Austria para lang siya mapag-usapan ng madlang people.
Ang tanong ngayon ng mga netizens ay kung papatulan ba naman ni Marian Rivera itong si Lai Austria? Pagdududahan ba ni Yan-Yan ang katapatan ng kanyang mister?
Kilala ng lahat si DD bilang isang responsable at mapagmahal na asawa at padre de familia. He's a good family man.
At this point of his life, hindi niya ipagpapalit ang kanyang pamilya para sa sandaling kaligayahan. Kahit na marami pa ring babae ang nabibighani sa karisma ni Dingdong Dantes, hindi siya basta padadala sa tukso.
At lalong hindi papayag si Marian Rivera na agawin ng kahit na sinong babae ang kanyang hubby na si Dingdong Dantes. Tiyak na lilitaw ang pagiging Caviteña ni Marian na palaban at hindi magpapaapi.





Comments