top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

MARIAN, 'DI NATAKOT MAAGAW ANG TITULONG PRIMETIME QUEEN

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jun 30, 2023
  • 2 min read

ni Janiz Navida @Showbiz Special | June 30, 2023



Balik-aktibo na talaga ang GMA-7 Primetime Queen na si Marian Rivera dahil bukod sa TV series at movie na nakatakda niyang gawin with Gabby Concepcion and husband Dingdong Dantes, respectively, pati sa endorsement ay mabenta uli si Marian.


Si Marian nga ang ipinakilalang bagong ambassadress ng bagong skin care line ng Beautederm na BlancPro kung saan pag-amin ng magandang aktres, 'adik' daw siya sa paggamit ng lotion at maarte siya sa mga ginagamit sa mukha at skin kaya magkasundung-magkasundo sila ng owner at CEO ng Beautederm na si Ms. Rhea Anicoche-Tan.


Actually, dati nang endorser ng Beautederm Home si Marian, pero dahil sabi nga ni Ma'm Rei ay pang-skin care talaga ang dapat na i-endorse ng misis ni Dingdong sa sobrang kinis at puti nito, dream come true para sa "BEAUTEful" and flawless ding 43-year-old businesswoman na makuhang endorser ng BlancPro ang GMA Primetime Queen.


Tuwang-tuwa naman si Marian na maging parte ng advocacy ni Ma'm Rei sa paglo-launch ng BlancPro, dahil sabi nga ng aktres, gusto niyang makatulong sa mga gustong gumanda nang pangmatagalan sa mas murang paraan.


Bagama't may class pa rin nga kasi ang BlancPro products tulad ng whitening soap, body wash, toner, sleeping mask, lotion, etc., pang-masa ang presyo nito kaya kering-keri nang maabot ng mga nasa Class D or E.


Oh, 'di ba, parang si Marian, kahit mukhang yayamanin, abot-kamay pa rin!


Kaya nga siguro napangiti na lang nang bongga si Marian sabay kurot sa aming pisngi nang tanungin namin kung goal din ba niyang maging bilyonarya tulad ng kanyang Ate Rhea Tan na CEO ng Beautederm.



And when asked kung ano pang dream niyang mabili kapag naging bilyonarya siya (kung hindi pa talaga ngayon na ayaw naman niyang aminin, 'no!), sagot niya, "Maraming dream, 'di naman nauubusan ng mga pangarap. Ang tanong lang, ano ang mga pangarap na ito at ano ang ipaprayoridad mo. Ang priority ko is my family."


Dagdag pa niya, madali naman daw mabili ang mga material things na pangarap niya basta may trabaho siya, pero ang mas importante ay 'yung happiness na naibibigay sa kanya ng asawang si Dingdong at ng dalawang anak nila na sina Zia at Sixto.


Tinanong din namin si Marian kung nagkaroon ba siya ng takot na mawala sa kanya ang titulong GMA-7 Primetime Queen nang magpahinga siya sa showbiz.


Aniya, "Well, thankful ako na ibinibigay sa akin 'yang titulo na 'yan, pero kahit si Dong, sinasabi namin sa isa't isa, ang maganda ay kung paano mo isinasadula ang mga proyektong ibinibigay sa 'yo, pa'no ka minamahal ng tao, 'yun ang mas mahalaga sa akin."


Natanong din si Marian tungkol sa paglipat ng TVJ sa TV5 since naging part din ng Eat… Bulaga! ang aktres.


Aniya, willing naman daw siyang mag-guest kaso nga ay bawal at hindi siya papayagan ng GMA-7 dahil contract star siya ng Kapuso Network.


Samantala, hindi naman daw natatakot ang byuting may-ari ng Beautederm na si Ma'm Rei na tatalunin ng BlancPro products ang mga mas nauna nang nakilalang produkto ng Beautederm dahil ang katwiran nga ng negosyante, "My faith is bigger than all my fears."


Naniniwala rin daw siyang pareho pa ring tatangkilikin ang mga naturang produkto ng Beautederm dahil depende nga rin naman sa tao 'yan kung ano ang mas hiyang at mas effective sa kanya.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page