top of page
Search
  • BULGAR

Marespeto ba 'yarn? PABEBENG AKTRES, SA YAYA PA NAGPAPAHUBAD NG PANTALON

ni Reggee Bonoan @Sheet Matters | September 6, 2023



BLIND ITEM:


Aware kaya ang aktres na pinagtsitsismisan siya ng kapwa niya artista at mga taga-production dahil sa ‘pabebe’ niyang ugali?


Naloloka lang kasi ang mga nakakakita na sa tuwing matatapos ang eksena niya sa ginagawa niyang project ay tatawagin na niya ang kanyang yaya at ipahuhubad ang suot na pantalon sabay higa sa kama.


Nabanggit din ng yaya sa ibang katsikang yaya sa shoot na ganu’n daw talaga ang ugali ng alaga niya na feeling baby at okay lang naman daw iyon sa kanya dahil para sa kanya ay lambing lang ito.


Wala naman daw pakialam ang mga co-actors ng aktres dahil hindi naman sila ang napeperwisyo kaya lang, iba ang dating kapag pinagtsitsismisan na ito dahil negatibo ang dating at nagpasalin-salin na ng kuwento na sana ay sakto at walang dagdag.


Nang ikuwento naman sa amin ang tsikang ito ay walang dagdag dahil ang mismong taong malapit sa kanya ang nagkuwento at ipinagtanggol nga na sadyang malambing daw talaga ang aktres kaya ganu’n.


May dyowa na ang aktres at mukhang ganito rin ang ugali niya na pabebe dahil may vlog siya na napanood namin na pinagsisilbihan siya ng karelasyon na walang pakialam kung maraming taong nakakakita dahil nasa public sila base sa napanood naming video.


Ang boyfriend ng aktres ay may pangalan ding iniingatan at first time rin namin siyang nakitang ganito niya pagsilbihan ang karelasyon. Sabagay, ang mga nauna naman niyang dyowa ay hindi taga-showbiz.


Suwerte ni aktres dahil ubra ang kanyang pabebe attitude sa dyowa niyang kilalang macho sa showbiz.


0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page