top of page
BULGARY - BARON, IBINUKING NG MISIS NA NASA SAFE PLACE_IG _baron.gesler.jpeg

Marcos, nakipagkita sa mga Filipino ‘astronaut’: ‘Keep it going’

Writer: BULGAR
BULGAR
3 hours ago
1 min read

by BRO @News | September 28, 2026



Filipino astronauts PBBM - PCO

Photo: Ang pagharap ni Pangulong Marcos sa apat na “analog astronauts” sa Malacañang at bilang pagpapahayag ng suporta nito. Presidential Communications Office



Mula sa dating pangarap na maging astronaut, ngayon ay nakaharap mismo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang apat na Filipino na sumabak sa mga space simulation mission at training sa iba’t ibang bansa.


Nakipagkita si Marcos sa apat na “analog astronauts” sa Malacañang nitong Huwebes at ipinahayag ang suporta sa kanilang mga ginagawa sa space science at technology.


Kabilang sa nakilala niya sina Kristine Jane Atienza, Dr. Marvic Jon Alcantara, Florence Pauline Basubas at Dr. Mark Angelo Purio.


Hinimok sila ng Pangulo na ibahagi ang kanilang karanasan upang mahikayat ang mas maraming kabataang Pinoy na pasukin ang larangan ng space science.


“Congratulations. Keep it going,” sabi ni Marcos.


Ang analog astronauts ay sumasailalim sa mga simulation ng mga kundisyong maaaring maranasan sa Moon, Mars o outer space, gaya ng isolation, limitadong resources at communication delays.


Samantala, inihahanda rin ng Philippine Space Agency ang mga susunod na hakbang para sa human spaceflight at pagpapaunlad ng sariling rocket technology ng bansa.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page