Marcos, nag-work visit sa Los Angeles

ni Eli San Miguel - Trainee @News | November 18, 2023

Dumating si Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. sa Los Angeles ngayong Sabado (PH Time) para sa sandaling working visit.
Bumaba ang eroplano na sakay ang Pangulo at ang kanyang delegasyon sa Los Angeles International Airport lagpas alas-dose ng tanghali (PH Time).
Matapos ang kanyang pakikiisa sa 2023 APEC Summit, umalis si Marcos sa San Francisco.
Sa kanyang pananatili sa Los Angeles, magkakaroon si Marcos ng mga business meeting at meet and greet sa Filipino community.
Pagkatapos sa Los Angeles, sunod na pupunta ang Pangulo sa Honolulu, Hawaii.





Comments