Marcos kay Sara: ‘Buwaon’ sa mga paratang sa administrasyon

by BRO @News | September 29, 2026

Photo: File / Bongbong Marcos at Sara Duterte - FB
Tinawag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na “buwaon,” o sinungaling, si Vice President Sara Duterte matapos nitong akusahan ang administrasyon na desperadong pabagsakin siya at buhayin ang impeachment case laban sa kanya.
Ayon kay Palace press officer Claire Castro, sinabi ni Marcos na “nonsense, fake news” at “mahilig magsinungaling” ang mga paratang ni Duterte.
Kaugnay ito ng alegasyon ng dating pulis na si Rodulfo Gracioso Jr. na naghatid umano siya ng mahigit P2 bilyon na cash sa mga Duterte. Itinanggi ni Sara na kilala niya si Gracioso o tumanggap siya ng pera mula rito.
Iniimbestigahan na ng National Bureau of Investigation ang alegasyon, habang itinanggi rin ito ng kampo ni dating House Speaker Lord Allan Velasco.
Sinabi naman ng Malacañang na seryosong titingnan ang alegasyon kung mapatutunayan ito sa pamamagitan ng ebidensiya.





Comments